Vera Alam kong sa mga oras na ito ay nagpapahinga na ang lahat ng mga nilalang ngunit ako ay nanatiling nasa gitna ng malawak na lupain at nakahiga habang tinitingnan ang mga bituin na nagkikislapan sa kalangitan. Napakaganda nilang pagmasdan, nakakaginhawa ng pakiramdam. Sila ang nagsisilbing liwanag na madilim na kalawakan. 'Vera', rinig ko ang boses niyang tinatawag ako, mukhang may nais siyang ipag-utos sa akin. Kunwari ay wala akong narinig at mas piniling huwag pansinin ang pagtawag niya, kahit hindi ko lingunin alam kong may kasama ako, batid kong siya ay narito. Alam kong nasa paligid siya at nagmamatyag sa akin, at sa bagay na aking ginagawa. Ang taong nagsilbi bilang aking ina sa loob ng napakamaraming taon. Kaya alam ko ang lahat ng nangyayari dahil saksi ako sa lahat ng iyon.

