Athera Biglang naging aktibo ang aking pakiramdam nang makaamoy ako ng dugo. Bloodlust, 'yan ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Nauuhaw ako, natutuyo ang aking lalamunan sa sobrang uhaw. Para na akong mababaliw dahil sa nararamdaman kong ito. Hindi ako mapakali at nandidilim ang paningin ko kailangan kong mainom ang dugong naaamoy ko. Nakita ko na pumapasok si Krauna at may dalang tao, walang malay iyon. Hindi ko alam kung saan siya kinuha ni Krauna pero wala akong pakialam kung saan niya nakuha ang taong bitbit niya. Agad na tinakbo ko ang aming pagitan at hiniklat ang tao saka ibinaon ang aking pangil sa leeg nito. Mas ibinaon ko pa ang aking pangil at sinisipsip ang kanyang dugo hanggang sa tuluyan mawala ang aking pagkauhaw. "Tsk! Ilang taon ka bang hindi nakainom niyan? Balak

