Fiera Tumatakbo ako palayo sa palasyo ng Valzuela. Hindi ko alam kung saan ako dinadala ng aking mga binti basta ang alam ko ay may gusto akong marating, gustong makita. Mas lalo ko pang binilisan ang aking pagtakbo. Bang! Umalingawngaw ang tunog ng putok ng baril at nasundan ng isang malakas na sigaw. 'Victoria?' tanong ko sa likod ng aking isipan. Boses iyon ni Victoria. Mas binilisan ko pa ang pagtakbo at nadatnan kong pinapalibutan si Victoria at si Daemon ng mga huntress. Alam ko na huntress sila dahil iyon ang naaamoy ko. May mga hawak silang baril at alam ko na ang bala ay gawa sa silver. Iyon lang naman ang kahinaan ng isang lobo. Maaari silang mamatay kapag natamaan sila. Akmang babarilin ng nga huntress sila Victoria pero bigla silang nawala at naglaho sa hangin. Narito na

