Rethxia "Hindi! Hanapin niyo siya! Hindi siya pwedeng mawala na lang basta!" Pinagtatapon ko lahat ng gamit ko dahil sa inis na aking nararamdaman. Hindi pwedeng mawala si Daemon. Nakatakda na kaming ikasal sa susunod na linggo, hindi ako papayag na muling naalintana ang aming pag-iisang dibdib. "Sugurin niyo ang kastilyo ng mga Valzuela at halughugin niyo bawat sulok. Ibalik niyo rito si Daemon sa lalong madaling panahon!" Pilit kong kinakalma ang aking sarili pero ng makalabas silang lahat ay pinagsusuntok ko ang dingding ng bulwagan. Hindi siya pwedeng mawala na lang basta. Hindi maaari na masira ang aking plano. Krauna "Kaifier, dalian mo at baka maabutan nila tayo," sigaw ko sa hinihingal na si Kaifer. Buhat niya ang ama niyang si Daemon na natagpuan namin sa dungeon ni Rethxia. K

