Fiera Tahimik akong nakaupo at pinagmamasdan si Victoria na hindi mapakali sa isang tabi. Pabalik-balik itong naglalakad habang ang mga libro sa paligid niya ay lumulutang sa hangin at mukhang hindi niya alam na nagagamit niya ang kanyang kapangyarihan dahil tutok na tutok siya sa pag-iisip. Umupo rin naman siya makalipas ng ilang minuto, nagpahalumbaba siya at tinatapik ng mahina ang mesa. Ilang sandali ay tumayo si Victoria at gumawa ng isang magic circle na gawa sa lahat ng elementong hawak niya. Ang libro na nasa kanyang paligid ay kusang nagsibukas, banayad ang hangin sa paligid at naiipon iyon sa gitna ng magic circle. Pumasok si Victoria at umupo sa centro ng magic circle at napakipit na umusal ng isang salamangka. Binuhos niya ang buo niyang konsentrasyon sa pagkontrol ng kapangy

