CHAPTER 4

1760 Words
Pagkatapos kong mag hugas ng plato at maglinis ng aming mumunting kusina ng napagpasyahan kong lumabas at hanapin ang lalaki. Hindi ko maiwasang mag alala lalo na't sa kalagayan nya ngayon. Agad namang gumuhit ang ngiti sa aking labi ng matuon ang atensyon ko sa lalaki na tulalang nakaupo sa aming pahanginang upuan. Lumapit ako ng dahan dahan sa kanya , dalawang metro ang layo ko sa kanya ang pwesto ko.Pinakatitigan kolang siya na parang ang lalim ng iniisip nya . Mula sa aming pwesto ay isang tanawin ang masarap tingnan kung saan kami nakaharap ,mga mumunting basakan sa malayo at bulubundukin na napapalibutan ng mga katamtamang laki ng puno at sinabayan ng magandang panahon at sariwang hangin. "Kuya...:, pag tawag ko sa kanya ,ngunit di man lang ito tumugon. "Ammmh kuya,". pagtawag ko ulit,ngunit nakatuon lamang ang atensyon nya sa harapan nya . "Kailangan kopong linisin na yung mga sugat nyo po at kung kaya nyo napo maligo ay maligo napo kayo, Hayaan nyo po habang hindi nyo papo kaya ay ako na muna ang mag sasalok ng tubig ng panligo nyo po, Tsaka po kaila....". Di na ako pinatapos sa mga sasabihin ko sa kanya ng sinungitan nya ako . "Can you just Shut Up". Pagsusungit nyang may kasama pang pag ka isang linya ng kilay nya,ngunit di manlang ako tiningnan. "Eh kasi po.." putol nya ulit sa sasabihin ko "Will you !." Tiningnan nya ako ,ngunit saglit lang at ibinalik na ang tingin sa harapan nya . "Haist , bahala sya sa buhay nya,nagmamagandang loob lang naman ako . Hindi ko alam na ang sungit sungit pala non. Sya na nga itong tinutulungan eehh sya pa ang galit. Tsaka ni wala man lang thank you dahil niligtas sya ." Pagsasabi ko sa mahina kong boses na tanging ako lang ang makarinig. Umalis nalang ako sa tabi nya , baka naalibadbaran sya sakin. Tingnan lang natin mamaya kung di sya makaramdam ng init. Haist hakot nalang nga ako ng tubig sa cr para bakasakali na maisipan nyang maligo ,idi mabuti. Pagkatapos kong manghakot ng tubig para panligo ng lalaking ito ay nagpaalam muna ako na pupuntahan ko si Pipay dahil kailangan nyang maka inom ng tubig at kailangan nya ring ilipat ng pwesto. Nandoon padin sya sa pwesto nya kanina.Lumapit ako sa kanya. "Kuya..Amhf aalis po muna ako aahh ,maiiwan po muna kita dito aahh ,kailangan kolang ilipat si Pipay ng pwesto.At kung gusto nyo na po maligo ay may tubig naman na po sa Cr, nasa likod lang po ng bahay ang Cr namin kuya, sige po." Talikod ko sa kanya pagkatapos kong mamaalam , Ni hindi man lang ako tinuonan ng pansin ng lalaking yun. "Oh Pipay ,kamusta kana aming mahal na alaga , Pasensya na aahh kung medyo mataas na ang araw ng ililipat kita ng pwesto mo. May masungit kasi akong kasama sa bahay, Tanda mo pa yung niligtas nating lalaki, ay aba'y nagising na." Pagkakausap ko kay Pipay. Pinainom kona ito at pinaliguan at pagkatapos ay naisipan kong mangahoy at kahit papaano ay may dala ako pauwi. Nasagi sa isip ko na wala pa palang maalala ang lalaki at hindi tanda ang pangalan nito. Naisip kong bigyan ko nalang ito ng pangalan nya habang hindi nya pa maalala ang totoong pangalan nito. "Hmm Ano kaya kung Joselito ". Pag kausap ko sa sarili ko agad akong bumanghalit ng tawa dahil sa naisip kong pangalan dahil pang matanda ito. "Aahh hindi ano nalang ammh Fernando". Agad naman akong natawa , Tumatawang mag isa , kung may iba lang nakakakita sakin pagkakamalan ako nitong baliw. "Ang pangit hahhaaha anmh Ano kaya kong Gregorio, Hindi.Hindi.Hindi .Ano nalang pala" . Sabay palakpak . "Miguel". Pagkausap ko padin aa sarili ko. Ganto na siguro ako ,kinakausap ko ang aking sarili para may makausap ,siguro dala nadin dahil ako lang minsan mag isa dito. Magtatanghaling tapat na ako ng bumalik nako ng bahay. At nang tingnan ko ang pwesto na kung saan ko sya iniwan kanina ay wala na sya doon. Pumasok ako sa sa sala ,sa kwarto ngunit wala ito . Huli kong pinuntahan ang Cr sa likod bahay, pagbukas ko ay laking gulat ko nalang ng nandoon ang binata na naliligo palang pala. Agad ako nag iwas ng tingin at akmang tatalikuran ko na ito ng naisip ko tulungan ito dahil nakikita kong nahihirapan itong tulungan ang sarili nya. "Tutulungan na po kita kuya". Akma kong kukunin ang damit nya ng mag sigaw ito. "Ako na! Kaya ko ang sarili ko , Umalis kana."Pagsigaw nyang ikinagulat ko. Hindi agad ako nakakilos dahil sa sigaw nya. "I said Get Out". Sabay turo nya ng pintuan ng cr. Agad naman ako lumabas ng Cr ng may pagka taranta na. Ano bang problema ng lalaking yun, Lagi nalang mainitin ang ulo , Pinaglihi siguro to sa sama ng loob.Laging salubong ang kilay at ngunot ang noo. Pasalamat sya ay bagay padin sa kanya dahil sa ganda nitong mukha ,Hay bahala ka. Nagluto nalang ako ng pananghalian namin at pagkatapos ay nagbihis nalang din ako ng damit. Tamang tama ng paglabas ko ng aking kwarto ay katatapos nya lang maligo, Natagalan sya dahil sa hirap sya kumilos ,kasalanan nya yan ayaw nya mag patulong . Agad akong lumapit sa mesa at tinawag sya. "Kain na tayo kuya Miguel". Saad ko sa kanya ng ikinalingon nya bigla. "What did you call me?". Pag iisang linya naman ng kilay nya sa narinig. "Kain na tayo". Pagsagot sa tanong nya. "The name." sabi pa nya "Ahhh Kain na tayo kuya Miguel" Pagsabi ko pa namay gumuhit na ngiti sa aking labi. "Bakit Miguel? Who is that guy? And..." "IKAW, Iyan ang pinangalan ko sayo kasi diba hindi mopa maalala ang totoo mong pangalan ,kaya ayan ang naisip kong gamitin mo munang pangalan mo ." sabay ngiti ko ng pagkalawak lawak. "I mean ,i don't like that name." Pagsaad nya pa. "Eh ano ang gusto mo , Joselito? amhh ano nalang Gregorio, Ay hindi mas maganda kong Tabuchok o Toto." Pagpipigil ko ng tawa ng makita ko ang reaksyon ng mukha nya ,mukha itong natae sa awra ng mukha nito. Diko na napigilan ang pagtawa ko ng malakas habang hawak hawak pa ang aking tiyan , naluluha luha nadin ako . Natigil nalang ako sa pagtawa at pinunasan ang ma luha luha kong mata sa kakatawa ng masama ang tingin nya sakin ,mukhang lalapain nya ako ng buhay. Tumikhim ako, " Hmmmmm ano kasi..." .Medyo nahihiyang pag iwas ko sa usapan "Okay na ako sa Miguel". Sabay lakad nya ng dahan dahan na mukhang dederetso na sa kwarto.Akmang bubuksan nya na ang pintuan ng kwarto. "Kumain kana muna kuya Miguel,pagkatapos nito, papalitan ko ang benda ng mga sugat mo , at gagamutin." Ngunit tinalikuran lang ako nito . "Wala akong gana" , sabi nya pa,sabay pasok sa kwarto at sarado ng pinto . Sino lang din ang magugutom .Pagkatapos kong kumain at maglinis ng kusina ay kumatok nako sa kwarto para linisin at gamutin ang sugat nito. "Kuya Miguel, Gagamutin kolang po ang sugat nyo." Ngunit hindi man lang ito sumagot.Kakatok ulit ako "Kuya," Agad naman itong nagsalita. "Di na kailangan kaya kona ang sarili ko". sabi nya pa , Kita molang to ,nahihirapan kana ngang ganyan kalagayan mo tas sasabihin mopang kaya mo . "Bahala ka po kung yan ang gusto mo , Matagal kang gagaling nyan pag ganyan katigas ang ulo mo ,Matatagalan kang hanapin ang pamilya mo ." Pag aalo ko pa baka madala sya sa sasabihin ko. Ngunit hindi padin ako pinagbuksan bagkus ang sinabi pa. "Leave me fu****g alone". Pagsigaw nya mula sa kwarto. Malapit na talaga akong mapuno sa lalaking to . Alas tres ng hapon ng napagdesesyunan ko na itong pasukin sa kwarto at alam kong natutulog na ito,Natulog ng walang kain . Habang natutulog ito ay dahan dahan akong naglinis ng sugat nya at palitan ng benda ito . Mabuti nalang marami pa akong mga damit na di na ginagamit ,at marami akong nakuhang halamang gamot. Natapos nalang ako lahat lahat ngunit tulog padin ito. Kinabukasan ay ganun padin sya nag susungit padin. At naalala ko si Itay na kung bakit hindi pa ito nakakauwi simula kahapon , nasaan na kaya ito.Na isip ko nalang na baka mamaya ay uuwi na sya , marami sigurong gawain don . Lumipas ang 4 na araw bago umuwi si Itay.Bandang Alas 4 na ng hapon ng makita ko si Itay paakyat dito, Habang ako naman ay abala sa pagdadamo.At ang su Kuya Miguel naman ang ganun padin lagi mainit ang ulo ,hindi makausap ,pero natutuwa padin ako kasi gumgaling na ibang sugat nya. "Itay, Bakit ho ngayon lang kayo , Apat na araw po kayong hindi nakauwi." Pag aalala kong tanong kay Itay. "Hay nako anak , m-m-marami kasing ano, marami kasing pinagawa si Karlos kaya ganun." Pangunot ang noo ko sa sinabi ni Itay. "Itay naman...", Di nya na ako pinatapos. "Pumasok na muna tayo anak sa loob ,magkakape muna ako, mamaya na tayo mag usap". "Ay itay gising napo si Kuya Miguel". Habang naglalakad paakyat sa bahay ng bigla syang lumingon sakin . "Ano kamo anak ,nagising na sya? ".Nag aalalang tanong sakin ni Itay. "ho o Itay , 4 na araw nadin po simula nung magising sya ." Habang papasok kami ng bahay ay naabutan namin si kuya Miguel na nakaupos sa aming mumunting sala habang tulala. Nabaling lang ang paningin nya ng mag salita si Itay. "Kamusta kana anak". Pakausap ni Itay kay Miguel. "Who are you?". Tanong ni Miguel na agad naman akong pumagitna sa kanila . "Amhf kuya Miguel ,si Itay po ito Tatay ko , Papa ko, pader kopo". Pagpapaliwanag ko . "Miguel pangalan mo anak?" Pagtawag ni Itay na anak kay Kuya Miguel. Hindi sumagot si Miguel at ako nalang ang nagpaliwanag kay Itay ng lahat .Laking gulat ni Itay sa nalaman. Naawa dahil sa kalagayan nya. Naintindihan din ni Itay iyon. Habang abala kami sa pagkain at himala na sumabay kumain si kuya Miguel . Nang magsimulang magsalita si Itay. "Miguel, Pag gumaling kana at kaya mona maglakad ay pupunta na tayo ng bayan para hanapin ang pamilya mo , mayroon doon Police Station ,matutulungan ka non , O kung gusto mo eehh bukas na bukas ay dalhin ka na namin doon ,isasakay kalang namin kay..." Hindj na naman pinatapos ni Lucas ang sasabihin ni Itay. "Okay lang po , Aantayin ko nalang na gumaling na ako." Nagpa tango tango nalang si itay habang ako naman ay patuloy sa pagkain .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD