CHAPTER 5

1498 Words
"Don't tell me dyan ako sasakay?". turo nito sa karosang akay akay ni pipay. " Oo ,Dito nga anak,Ligtas ka naman dito." Ani ni tatay. "Di bale nalang po , pag ka gumaling nalang ng tuluyan itong mga sugat ko bago tayo mag report sa mga pulis sa bayan nyo tatay Manuel". Sabat pa ni Kuya Miguel. "Ganun ba anak, o sya Sige. Sofia anak itali mo na lamang si Pipay. Nag bago ata isip nitong si Drake". aniya. "Bahala nga sya dyan , daming arte ng lalaking to". sagot ko na sapat na para marinig ni Drake. " Anak....". Sabat ni itay. Tinalikuran ko na Silang sakay Ako Kay pipay. Lumipas ang tatlong Araw Ng nag paalam na si itay na alis ulit dahil kinailangan nyang bumalik Kila Mang karlos. Pinigilan ko ito ngunit nag matigas ito. Nag tiwala agad sya sa lalaking si Miguel ey ilang Araw nya palang tong nakilala. Nag aalala ako sa kalagayan ni itay dahil nangangayayat na ito at madalas na itong inuubo. Si Kuya Miguel naman ay nagsusungit padin.Hindi ko alam kung sa dala lang Ng pagkalimot nito sa ala ala nya o ganun na talaga ugali nya. Sa ngayon ay kami nalang ulit ni kuya Miguel ang nandito sa bahay. Masungit padin, at laging tulala na para bang ang lalim ng iniisip. Naaawa din Ako sa kanya,gusto ko nadin gumaling na ang mga sugat nito at kaya ng maglakad papunta sa bayan para mahanap na nya ang pamilya nya. "Kuya Miguel,Kumain na Muna Tayo". pagtawag ko mula rito sa aming munting pintuan at sya Naman ay nasa may pahanginang upuang kahoy. "Busog pako". pag sagot nito. " Wala kapa pong kain simula kaninang Umaga, mag gagabi na pero hindi naman...". "Can you please f*****g Shut up! will you! And stop calling me kuya dahil hindi naman tayo mag Kapatid". Nairita ako sa turan nito,kaya dali dali akong pumanaog para lapitan ito. " Kailangan din kasing gamutin yung sugat mo para tuluyan kanang guma...". "Bullshit! How many times do I have to tell you na manahimik ka muna,dada ka ng dada. Nakakairita ! Are you deaf or what?!. At tuluyan na nga akong napuno sa lalaking ito.Nakakaubos ng pasensya. "Idi Hindi! bakit sino naman pala ang mahihirapan,at kung nalaman ko palang pala sa simula na ganito ugali mo, hindi na sana kita tinulungan ng panahong nag-aagaw buhay ka. Sana hindi nalang kita nakita at sana hindi nalang kita dinala sa bahay namin. Sana hinayaan ka nalang na mamatay. Alam mo ang yabag mo, ang sama ng ugali mo. Isa kang walang utang na loob ni kahit isang salitang salamat ay wala akong narinig mula sayo". Tumutulo na ang mga luha ko ng hindi ko mapigilan,kusa nalang dumadaloy sa aking pisngi at ang pagsinghot ko sa ilong ko. "Ikaw na nga tinulungan Ikaw pa galit, ibang klase kadin ano! Ikaw pa may ganang magsungit.Kung ganyan nalang din naman pala, bukas na bukas ay umalis kana rito at bahala kanang hanapin ang sarili at pamilya mo! Alam mo ,pagod na pagod nakong umintindi ng ugali mo". Akmang tatalikuran ko na sya para pumasok sa bahay. " Ay hindi! ngayon din. Umalis kana". pagpapatuloy ko, at tuluyan kona itong tinalikuran. Andito ako sa kwarto ko.Umiiyak na diko alam.Nasasaktan ako sa paraan ng pagsigaw at sa mga binitiwan nyang mga salita. Lumipas ang limang oras na sa tantya ko ay alas dyes na ng gabi ng lumabas ako saking kwarto, nakatulogan kona kanina ang pag iyak, siguro dala nadin ng pag iyak ko ay nauhaw ako. Kaya lumabas nadin ako ng kwarto. Ni hindi kona nga magawang kumain kanina. Nakita ko agad si kuya Miguel sa upuang kahoy dito sa maliit namin sala na natutulog na. Dito na sya natutulog ng simulang omokay okay ang pakiramdam nito. Dumeretso ako ng kusina para uminom ng tubig, akmang babalik nako sa kwarto ko ng nakita kong gising at nakatayo na ito. Sinulyapan ko ito saglit at pinagpatuloy na ang pag lalakad ng akmang malapit nako sa kwarto. " I'm sorry ,sorry sa nagawa at mga nasabi ko". Dahan dahan akong humarap sa kanya. "I'm sorry Sofia and-and thank you.Thank you sa lahat, I realized na mali na pala ang mga nagagawa't nasasabi ko, Na- nasasaktan na pala kita. Naguguluhan lang ako sa kalagayan ko sofia hindi ko alam kung-kung san ba ako nakatira ,kung-kung may tatay din ba ako or may bahay din ba ako, paano pala kung may asawa't mga anak pala ako". Nakikita kong humihikbi na ito. "Hindi ko alam kung-kung anong meron sa buhay ko, kung may mga kapatid bako? kung-kung paano pala kung isa akong kreminal or isa akong mamamatay tao ? Kung anong buhay ba meron ako, hindi paano pala kung....". Hindi kona ito pinatapos pang mag salita ay agad ko itong dinamba ng yakap. At tuluyan na ngang yumugyog ang balikat nito sakin dahil sa pag iyak. Ilang minuto pa bago humupa ang iyak nito. Bago kami kumalas sa isa't isa. "Patawad kuya Miguel,hindi ko ala...". bigla nya nalang ako nitong hinalikan sa aking mga labi. Hindi ako nakagalaw, parang nanigas ang katawan ko. Bago sakin to. Pagkatapos nya akong halikan ay dali dali akong bumalik saking kwarto at don nalang inintindi kung ano ba nararamdam ko , kung tama paba ito. Tinanghali na nga ako ng gising kinabukasan dahil sa kung anong gumugulo sakin kagabi ni madaling araw nako nakatulog dahil sa ginawa sakin ni kuya Miguel. Dumeretso agad ako ng kusina para sana mag momog ng makita ko si kuya Miguel na nasa mesa na itong prenteng nakaupo. "Good morning Sofia". Aniya. Nginitian kolang ito at deretsong lakad sa lababo. " Amhf ku-kuya Miguel amhf aalis napo...". " Kumain kana muna Sofia ,nagluto ako". "Pero po kasi...". " Sige na sofia, Nagagalit kaba sakin dahil sa ginawa ko kagabi or nahihi..." "Wala ho iyon kuya miguel,Ka-kalimutan nalang po natin kung ano man nangyari kagabi" . Sabay upo ko sa hapag kainan. "Siguro naman po magaling nadin yang mga sugat nyo at kaya nyo napong maglakad ng pa unti unti papunta sa bayan para po mahanap nyo napo ang pa-pamilya nyopo At...". "Pinapaalis mo na ba ako sofia? ".Aniya na syang pag angat ko ng tingin sa kanya. "Po? Hi-hindi naman po sa ganun , para po sana makita mo nadin...". " I see, pag magaling na ng tuluyan ang mga sugat ko sofia. Sa ngayon ay diko pa kaya . Kaya kumain kana muna.Tsaka nadiligan ko nadin mga pananim mong mga gulay". "Pero di kapa po masyadong magaling para gawin ang mga ..." "Diko naman gagawin yun kung diko kaya diba? ". tumango tango nalang ako habang nilalantakan ang pagkaing inihanda sakin. Nag paalam na nga muna ako rito para mangahoy at ilipat ng pwesto si pipay. Nag pupumilit pa nga itong sumama ngunit di nako nag abalang isama pa sya dahil mahihirapan din naman sya eeh. Tanghaling tapat na akong makabalik sa bahay namin, Ilang metro palang ang layo ko ay tanaw kona agad ito sa hamba ng pintuan na syang sakin din tumitingin. Pasan pasan ko ang mga kahoy saking balikat at suot ang lumang besteda. Tutulungan nya pa nga sana ako pero hinindian ko dahil para mabilis gumaling mga sugat nito ay baka bumalik sa dati. Naging okay na nga ang pag sasama namin ,wala ng gaanong bangayan at nagkakasundo nadin kami . Ilang araw ng umuwi si itay at iniabot nito sakin ang pera na pinagkitaan nya sa pag tatrabaho kila mang karlos at mang Garyo at iba na din pakiramdam ko na nag iiba na katawan ni itay , nangangayayat na sya ng sobra kaya minabuti ko na itong dalhin sa bayan. Nung una ay ayaw nya ay mapilit talaga ako kaya nakumbinsi ko syang mag pa check up. Gusto sana namin isama si Kuya Miguel pero hindi nya padin talaga kayang mag lakad. Kaya minabuti nalang naming iwan muna dito sa bahay. "Anak ,kamusta naman si Miguel? okay naba sya,para naman makita nya na pamilya". Ani ni itay habang naglalakad kami papunta ng bayan. Madaling araw palang ay umalis na kami para maaga kami sa klinika. " Okay naman po sya itay , kaso nga lang itay di nya papo ata kaya ang maglakad mula roon sa bahay hanggang bayan". Sagot ko kay itay. Marami pa kaming napag usapan ni itay hanggang sa makarating na nga kami ng bayan. At wala naman daw problema kay itay ang sabi ng nagtatrabaho sa klinika . Hindi kolang maiwasang mag alala lalo na't pakiramdam kong may iba kay itay . Ayaw kasi ako ni itay isama sa loob kung saan sya nag pa check up, o baka nag iisip lang ako ng malala. Namili pa nga kami ng mga gagamitin namin nila Itay don sa bundok at binilhan ko nalang din si Kuya Miguel ng mga susuotin nyang damit dahil di hamak na mas malaki sy kumpara kay itay . Hindi kasya sa kanya lahat ng mga damit ni itay don na syang sinusuot nito ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD