Sofia POV.
Alas singko y medya na nga kami nakaalis ng bahay. Dala dala ang mga pinitas naming gulay sakay sa kalabaw.
Hindi namin naramdaman ang pagod sa paglalakad dahil puro kami kwentuhan, Hindi pala ,ako ang dada ng dada at sya ang tanong ng tanong.
Pagka baba nga namin ng bayan ng kapansin pansin na agad ang mga tinginan ng mga tao rito kay Miguel. Ang mga ibang kababaehan ay parang mga bulateng sinabuyan ng asin. Meron mga nagbubulong bulungan at ang iba'y nagpapansin kay Miguel.
Medyo tumaas ang lahat ng dugo ko sa ulo. Nakakainis naman. Hindi ko nalang pinansin dahil hindi naman pinapansin iyon ni Miguel.
"Sofia, Sino iyang kasama mong gwapo.?" tila kilig na kilig pang tanong ni Aleng Marta ang nagbebenta ng mga gulay .Dito rin namin ni Itay ibinabagsak ang mga napitas naming gulay.
"Ahh Aling Marta si Miguel po pala.Miguel sya si Aling Marta ,sya yung binabagsakan namin ni Itay ng mga naani naming mga gulay." Pagpapakilala ko sa kanilang dalawa. Napapansin ko rin na ang ibang kababaihan na nagsilapitan na saming kinaroroonan.
Nagmukhang sikat na artista si Miguel dahil pinagkakaguluhan ito ng mga dalagita,dalaga at ang iba ay may mga edad na katulad nila Aling Marta. Mukhang kinikilig kilig.
"Hello po Aling Marta." tugon ni Miguel rito.
"Hello din ,ka gwapong lalaki." palahaw pa ni aling Marta.
"Hoy ,Sofia kaano ano mo yan? Jowa mo ba?
"Yes, I am her boyfriend, Sofia's boyfriend." Pag uulit pa nitong sabing si Miguel.
Halos hindi makapaniwala itong si Aling Marta dahil sa nalaman. Nag asaran lang kami ng kaunti at kunting pag uusap,Dahil nag paalam nadin kami agad ni Miguel.
Hindi ko din sinabi kay Aling Marta na kung paano napunta si Miguel samin .Mahirap na mag tiwala ngayon kahit na lubos mo pa yang kakilala o kahit nga kamag anak mo pa yan.
Mag tatanghaling tapat nadin yun kaya'y pumunta muna kami kila Aling Bebang para don kami kumain,May mga dala kaming baon ni Miguel.
"Hello po Aling Bebang." pagtawag ko rito habang naka upo ito sa iisang silya sa kanyang beranda na may hawak pang pamaypay.
"Oh Sofia ,naparito ka aba'y napaka init naman ng lakad mo. Hindi mo b-ba aaahhhh eeehh s-sino yang kasama mo hehe." Palatak sakin ni Aling Bebang ngunit napa hinto din sya dahil sa kasama ko.
"Amhf Aling Bebang si Miguel po, Miguel sya si Aling Bebang yung kinukwento ko sayo, sya na yun.Hehe."
"Ooooh Hi po ,nice to meet you po." Abot ni Miguel sa palad ni Aling Bebang at nag atubili namang kunin iyon ni Aling Bebang.
"Aba'y napa ka pogi namang itong si Papa Miguel mo Sofia. Mmmhhh." tikhim muna ni Aling Bebang bago mag salita ulit.
"Kaano-ano ko ba si Sofia Fafa Miguel hmmmm ."
"Ammmm , kasintahan po ako nitong si Sofia."
"Weeeey ,talaga ba Sofia , Nobyo mo ito? Asus maryusep san kaba naka pulot ng isang anghel na katulad nitong si Fafa Miguel baka mapuntahan ko rin atsaka totoo ba talaga , Di ako makapaniwala jusko enday Sofia." palatak nito na ikinatawa nalang namin ni Miguel.
Alam ko naman na ganito ang sasabihin nila at hindi sila makapaniwala. Eh sino ba naman kasing maniniwala na ang isang hamak na tulad ko na ordinaryong ganda ng babae lang at taong bundok , hindi din maputi. Pero minamahal ng isang lalaking pinapantasya ng lahat ng kababaehan.
Jusko naman day.Matangkad,Gwapo ,bato bato ang katawan. Jusko ka ganda pa ng mata , kakaiba sa karaniwang tao dito sa bayan namin.Abuhin ba naman ang kulay ng mata nito.
Hindi talaga ako magsasawa na purihin sya kahit araw-araw pa.
"Maniwala napo kayo Aling Bebang.Talagang inayon sakin ang tadhana na makakita ng ganito ka gwapong lalaki." hininaan ko ang huli kong sinabi ng lumapit pa rito para hindi marinig ni Miguel.
Ayaw ko kayang ipakita rito na inlove na inlove ako rito.Baka mamaya sobrang makapante sya.
"Sige na nga maniniwala na ako ,Kiss mo nga sya Sofia.Kailangan sa lips ah para naman maniwala ako. Parang anak mayaman man to paanog...." hindi na napatapos ang dada ni Aling Bebang dahil bigla nalang din akong hinalikan ni Miguel sa Labi sa harapan mismo ni Aling Bebang.
Dampi lang sa labi, Gusto pa nga um isa ni Miguel pero pinigilan ko na ito.Nakakahiya naman dito.
"Mmmmmmmmmm ammmmhh ." Tikhim ni Aling Bebang.
"Na-na-naniniwaka na ako hahahahah." pilit nitong tawa.
"Bat nga pala kayo naparito ?kayo ba ay kumain na ng tanghalian? Sana any nagpasabi kayo na dadalaw kayo rito para naman nakahanda ako ng mga pagkain.Sobrang init ng lakad nyo ah." Sunod sunod nitong tanong habang nagpapaypay.
"Amhf napadaan lang din po kami rito at makikikain din po.May mga baon po kaming dala ni Miguel." Sabay labas rito ni Miguel ng mga dala naming baon na kanin at ulam.
"Oh sya sige kumain na muna kayo.Dalhin mo nalang sya Sofia sa kusina don na kayo kumain.May ulam din don ,Ulamin nyo ah .Tsaka aalis muna ako bibili lang ako ng maiinom nyo.Teka sandali.Punta lang kayo sa kusina ahhh." Tumango nalang ako rito.
Dumeretso nadin kami ng kusina.Inihain ang dala naming baon.
"Umupo kana Miguel ako na riyan."
"Tutulongan na kita." alsa nito.
"Asus ,kaya kona ito ,maupo kana riyan." Umupo nadin to kalaunan at habang pinaghahanda ang kakainin namin ay dumating si Aling Bebang na may dala dala na itong inuming soft drink.
"Ay taray naman talaga may oa soft drink papo kayo ." asar ko rito sa kakapasok lang sa kusina si Aling Bebang.
"Ano kaba Sofia, Malamang bisita kayo. Eh kung nagpasabi ka kaagad na mapapadaan kayo rito idi sana nakapag luto pako ng marami rami."
"Nako ,sige po sa susunod po dadalaw kami ulit rito."
"Oh sya sige na kumain na kayo. Sobrang init talaga na ng panahon , Jusko ko.Sige kumain na kayo ryan aahh.Don muna ako sa beranda mag papahangin." paalam nito.
"Sige po Aling Bebang maraming salamat po, at sa pa soft drinks nyo hahaha." Tumawa lang sya rito bago lumabas ng kusina.
Nag-umpisa nadin kaming kumain.
"Lagi ka rito ano, malapit na malapit kayo sa isa't isa eehh ." Pag umpisa nito
"Oo diba ,sabi ko sayo."
Nang matapos kami ay ako nadin ang nag presenta na ako na mag huhugas ng pinagkainan namin.
Patapos nadin ako ng pag huhugas ng may marinig akong nag uusap sa labas.
Pagkalabas namin ni Miguel na nakasunod lang sa likuran ko kung san si Aling Bebang.
"Oo nga andito nga may kasama sya,nako mas pogi sayo." Rinig kong sabi nito sa lalaking kausap.Dahil malapit nadin kami ay nakita ko ito .Si Liam pala.
Si Liam isa syang anak ng congressman dito sa bayan namin.Na may gusto sakin noon paman ,gustong gusto ako nitong ligawan ngunit hindi ko ito pinayagan.Isa nadin itong sikat na engineering.
Malaki rin ang utang na loob namin rito sa tatay nito dahil tinulungan kami sa bayaran sa pag papalibing kay Inay.
"Oh Liam ikaw pala.Naparito ka." bungad ko rito.Tumingin ito sakin ng may malawak na ngiti at sunod nitong tiningnan ang nasa likuran ko.
Napawi ang mga ngiti nito ng makita ang lalaking kasama ko.
"Oo, nabalitaan ko kasi na nandito karaw kaya agad naman akong pumunta dito. Atsaka may mga dala ako para sayo oh ." Sabay abot nito sakin ng mga prutas at chocolate pang kasama.Napalingon ako rito kay Miguel na igting na ang mga panga nito.
"Sige na Sofia, abutin mona. Babalik na din kasi ako agad sa opisina.Pumuslit lang talaga ako rito para iabot ito sayo at para makita kana din.I kamusta mo nalang din ako kay Itay Manuel ah ." Kinuha ko nalang mga bigay nito sakin kahit na medyo hindi na maganda ang timpla ng mukha nitong si Miguel.
Pagkatalikod nitong si Liam nakak ilang hakbang palang papunta sa sasakyan nito ng bigla nalang agawin sakin ni Miguel ang mga binigay sakin ni Liam at inilang hakbang lang nito si Liam para sundan ito.
"Bro. Dalhin mo narin itong kalat mo.Hindi kumakain si Sofia ng matatamis." Rinig kong sabi pa nito kay Liam.
"Huh. Noon ko pa naman sya binigyan ng ganyan aahh at kinaka..."
"Just please ,shut up!. I'm Sofia's boyfriend, Kaya wag kana lapit ng lapit sa kanya." dinig kong asik ni Miguel kay Liam.Nabigla ako kaya dali dali akong pumunta sa kinaroroonan nila.
Malapit na sila sa isa't isa ng kweluhan na lamang nitong si Miguel si Liam. At sisitigasan ng mga tingin sa isa't isa.
"Alam kong may gusto ka sa girlfriend ko kaya pwede ba usapang lalaki ,layuan mo sya! "
"Paano kong ayaw ko , girlfriend mo palang naman sya ,hindi pa asawa. Kaya kung anong gusto kong gawin sa kanya,gagawin ko." Sabat pa nitong si Liam.