CHAPTER 09

1372 Words
Sofia POV. "Sigurado po ba kayo Itay na kaya nyo papong tumuloy kila Mang karlos ?". Panigurado ko rito dahil hindi ko na mapigilan si Itay.Gusto nya nang mag kikilos kilos. "Oo naman anak, tsaka baka mga tatlong araw pako don kila Karlos, Kailangang tapusin na ey ,para daw may pag taniman na". Ayaw kasi ni Itay na walang ginagawa , ang sabi pa nito mas lalo syang humihina pag wala itong ginagawa. "Sige Itay ahh, sinabi nyo yan, Mag iingat po kayo sa daan". "Salamat anak, o sya ako'y aalis na baka tanghaliin pako sa daan, Mag iingat kayo rito.Miguek anak". pag tawag pa nito kay Miguel na nakaupo sa may upuang maliit na kahoy samay kusina. "Ikaw na muna bahala kay Sofia aahh. Aalis na muna ako". Bilin ni Itay sa lalaki. "Opo,makakaasa po kayo Tay Manuel". "O sya sige". Pamamaalam nito samin habang tanaw namin ito palayo. Alas kwatro palang ng madaling araw ng magpaalam si Itay na aalis . Napagdesesyunan na nito ang pag punta ulit kila Mang Karlos nakaraang araw pa . Dalawang araw narin ang lumipas simula nung may ginawa sakin si Miguel. "Sigurado kabang hindi muna natin sasabihin ang relasyon natin kay Tay Manuel Sofia?". Panimula nito sakin. Gusto kopa ulit bumalik matulog dahil inaantok pako. "Oo Miguel, sa ngayon huwag muna natin ipaalam kay Itay". "Bakit naman Sofia, Para naman may basbas na ng Itay mo ang relasyon natin". Ani ni Miguel. "Basta, humahanap pako ng tamang tyempo". "Ikaw bahala". Aniya. "Sige na ,Matutulog nako ulit, kahit mga isang oras lang. Inaantok pa kasi ako eh". Tugon ko rito. Akmang papasok nako sa maliit kong kwarto. "Come here,Sofia". Sabay harap sakin nito at dipa ng dalawa nitong maskuladong braso.Habang nakaupo ito Lumapit naman ako at niyakag ang mga yakap nito.Ako naman ay nakatayo parin. Sa laki nya kahit nakaupo ay halos magpantay parin ang katawan namin .Hindi naman kasi ako ganoong katangkaran. Tumagal kami sa ganoong posisyon ng mag salita sya. "I miss you Sofia". pagsasalita nitong yakap parin ako.Hinampas ko ito sa kanyang braso. "Ano kaba, Mag kasama na tayo araw araw ,namimiss mo parin ako". "Ah basta ,namimiss parin kita na kahit araw araw kitang nakikita at nakakasama,Kulang nalang itali kita sa katawan ko para hindi kana umalis alis sa tabi ko". Pag sagot nito. "Hala ka! Baliw kana Miguel. Hwag naman ganun". saad ko. "Baliw sayo Sofia, Baliw na baliw, I'm crazy inlove with you Sofia". Sabay pag higpit nito sakin ng yakap. "Sige na ,matutulog nako ulit". Sabay pagkalas ko rito ng yakap.Pinugpog pako ng halik saking mukha bago ako tuluyang pumasok sakin kwarto. Maliwanag na ng lumabas ako ng kwarto ko.Nakita kopa sa sala si Miguel na mahimbing paring natutulog . Kay hindi kona ito inabalang gisingin pa. Nag luto nalang din kaagad ako ng ulam at sinangag ko nalang din ang kaning natira kagabi.Para makakain nadin kaagad si Miguel pagka gising nito. Natapos na nga ko sa kusina ng mahimbing parin itong natutulog. Papalabas na nga ang haring araw ng umalis ako para manguha ng kung anong bungang kahoy at ilipat nadin ng pwesto si Pipay. "Hay nako Pipay, alam moba .Ganito pala pag magmahal ka ng isang lalaki ano?! Para ng ang laki laki ng puso ko parang tumaba ganun ang pakiramdam,tapos lagi ka nalang ngumingiti ng walang dahilan. Para kang nababaliw na ganun". Pag kausap ko na naman sa aming kalabaw. Medyo alas otso na ito ng umaga , ng umuwi nako .Wala akong orasan saking bisig, sa sikat lang ng araw kami bumabase ng oras. Tanaw kona agad si Miguel, Agad itong lumabas ng bahay ng makita ako. "Sofia,Why didn't you wake me up?". Tanong nito agad sakin. "Ano?". sagot kopa rito. "Diba sabi ko sayo wag moko ini english english rito". matapang kopang sabi. "Sorry, Bakit hindi moko ginising , para sana sinamahan kita". "Nagawa kong hindi kana gisingin dahil ang sarap ng tulog mo ehh,Nag hihilik kapa nga." .Saad ko rito. "Kumain kana ba?". Tanong nya sakin ng nasa loob na kami ng bahay. "Hindi pa". Ani ko. "Tara na sabay na tayong kumain . Hindi pa naman ako nakakakain eh". Pagkatapos nga naming kumain ay tinutungan naman ako nito sa pag aayos ng mga tanim kong gulay at kung ano pang routine ko dito sa bahay. "Amhf Miguel, gusto moba sumama sa bayan bukas?". Pasimuno ko sa usapan habang kami ay kumakain ng hapunan. "Kung sasama ka, dapat maaga kapa magising kasi madaling araw mag haharvest nako , magdadala ako ng mga gulay atsaka Miguel magreport na tayo sa Pulis kung paano natin mahanap ang pamilya mo". Deretso kong sabi rito. "Huh?". "Sabi ko kung sasama ka sa akin, para hanapin narin at mag report tayo sa mga pulis na nawawala ka or baka may naghahanap na sayo". Tuloy kong sabi. "Oh s-sige Sofia". Yun lang ang tanging nasagot nya. Pagkatapos nga'y sumunod nako sa aming tambayan sa labas ng bahay sa ilalim ng punong kahoy. Medyo madilim ang kalangitan. Nang malapit nako sa kanya habang maka upo sya ay narinig kopa ang mahaba nyang buntong hininga. "Okay kalang ba?". Bungad ko rito ,bago naupo sa tabi nito. "Sofia". Banggit nito sa pangalan ko na ikinalingon ko naman sa kanya. "Mmmm?". "Sofia, Halimbawa na, natagpuan na ako ng pamilya ko, kung pinapahanap man nila ako, At alam kung kukunin nila ako. Papayag kabang sumama ako sa kanila?". Tanong nito sa akin. Medyo inabot pa ng dalawang minutong katahimikan bago ako sumagot. "O-oo,kung sasama ka.Kasi Miguel ikaw at ikaw parin kasi ang magdedesesyon kung sasama ka o hindi. Atsaka pamilya mo yun eh bat naman hindi ako papayag diba, tsaka baka makakatulong din yun sayo para maibalik ang mga ala-ala mong nabura." tanging naisagot ko. "Sofia?." Tawag nito sakin uli. Nginitian ko ito na tama lang na makita namin ang isa't isa sa kaunting liwanag na nagmumula sa buwan at sa lampara. "Tandaan mo, Lagi mong tatandaan Sofia." Humarap ito sakin ng nakaupo at hinawakan ang mga kamay ko. "Mahal na mahal kita Sofia. I love you so much. Kahit ano mang mangyari. Naka handa akong ipaglaban ka." "Mahal na mahal din kita Miguel. Sana pag matagpuan mona ang totoo mong pagkatao at bumalik na ang ala ala mo, Huwag moko kakalimutan rito ah". Hinawakan ko ang kaliwang pisngi nito gamit ang kanang kamay ko. Habang hawak nito ang kaliwang kamay ko. "Sana-sana dalawin morin kami rito kahit na, kahit na may kalayuan itong munting bahay natin." Pilit kong ngiti na kahit nalulungkot na ako. "Hindi." Saad nito. "Huh." Tanging naibuga kong salita. Kinakabahan akong baka kalimutan na ako nito kung makita nya na ang pamilya. "Hindi mangyayari yun, kasi isasama kita Sofia. Hindi kita iiwan rito. Isasama ko kayo ni Itay kung saan man ako nakatira. Basta lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita. Higit pa sa inaakala mo." Nagdadalawang isip pa ako nong una kung itatanong kopa ba ito ngunit sa huli ay nagawa ko rin. "Paano pala kung may n-nobya kana Miguel, P-paano pala kung, kung may-may asawa at anak kana." Kinakabahan ako kung ano ang isasagot nito. Nasasaktan ako kung naiisip ko ito. Paano pala kung meron na. Naka handa naman akong magparaya , dahil sino ba naman ako. Isang babaeng taong bundok na walang pinag aralan. Natigilan ito sa aking sinabi , wala akong narinig na sagot rito. Namayani ang katahimikan saming dalawa , samantalang ang bilis at lakas ang kaba rito saking dibdib. "Okay lang, Naka handa akong magparaya Miguel." basag ko sa katahimikan. "Sofia, Don't say that." Agad nitong tugon. "Pero kasi..." "Basta itong tandaan mo Sofia, Mahal kita. Okay. Kaya huwag na muna yan ang isipin mo." Niyakap ako nito na sya namang tinugon ko. "I love you." mga katagang sinabi nya bago ako siilin ng halik. "Mahal na mahal din kita Miguel." Sagot ko rito ng bitawan nya ang aking mga labi. "Huwag na muna natin yan isipin okay, sa ngayon ay yung sa atin muna. Let's follow out hearts first." Tama sya. Tumango tango ako rito bago nya ulit sakopin ang aking mga labi. " Tara matulog na tayo, Kasi maaga pa tayo bukas." Yakag ko rito na syang tumango tango rin. "Oo Sofia. Tara na." Sabay nadin kaming pumasok sa loob.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD