CHAPTER 01: THE GUY ON THE WHEELCHAIR
CHAPTER 01: THE GUY ON A WHEELCHAIR
"Kuya, may nakita po ba kayong lalaking naka-wheelchair?"
Ngumiti ang binatang bigla na lamang hinarang ng dalagang sa tingin ng binata ay kasing edad niya lamang.
Bahagya niyang tinanaw ang poste ng ilaw na ngayon sa kanila ay tanglaw 'saka muling bumaling sa dalaga at umiling.
"Sigurado po kayo? Kulay blue po ang suot niya tapos naka-short na puti, medyo mestizo po? Ito po siya," pagpupumilit ng dalaga habang hawak ang printed na larawan ng hinahanap.
Umiling ang binata.
"Sorry pero hindi ko talaga nakita," mariing sambit ng binata bago ito muling nagpatuloy sa paglalakad ngunit agad din itong huminto't nilingon muli ang dalaga 'saka muling lumapit, "Kapag nakita ko okay lang bang i-deretso ko sa barangay? Can I have your contact details?"
The woman's face lit up as she nodded her head, giving the young man a thumbs up before exchanging contact numbers.
"Saan ka ba kasi pumunta, Kuya Ja?" she muttered to herself as she clenched the picture of her missing brother.
A young man in a wheelchair and was wearing a blue polo shirt paired with white shorts. He was smiling on the picture but that same young man was not even smiling right now.
And right now, he still hasn't figured out the place he wanted to go.
Namumula at kumikirot na ang kanyang mga palad sa bawat paglapat nito sa mga gulong ng kanyang wheelchair upang itulak ang sarili.
May ilang mabubuting nilalang ang tinulungan siyang tumawid ng kalsada ngunit hindi niya nagawang magpasalamat.
May ilang estudyante ring nakasabay niya sa estasyon ng tren na tulak-tulak ang kanyang wheelchair at doon lamang siya nagpasalamat.
"Sure po kayong kaya niyo na pong sumakay? Maaga pa naman po, gusto niyo sabay na tayo?"
Pilit na ngumiti ang binata sa dalagang estudyante at umiling.
"Dito na ako. 'Saka hindi naman ako sasakay," sagot niya, "Ingat ka, thank you," dagdag niya pa't ngumiti.
Matagal pinagmasdan ng dalaga ang lalaking naka-wheelchair at bumuntonghininga.
"Sige po. Ingat din po kayo," paalam niya bago siya sumakay sa tren na daraan sa bayan.
Ilang pasahero ang dumaan sa kanyang tabi, ilang tren ang dumaan subalit nanatili ang lalaking mahigpit ang hawak sa mga gulong ng kanyang wheelchair.
Huminga siya nang malalim at muling tinulak ang kanyang wheelchair. Huminto siya sa gitna ng riles at hinintay ang susunod na tren, hindi upang sumakay ngunit ang sa tren ay magpatangay.
Malakas ang kabog ng kanyang dibdib at sa bawat ihip ng hanging dumadampi sa kanyang balat ay naninindig ang kanyang balahibo.
"It's fine," he assured himself as the vibrations run through his body; the train is coming.
Naririnig na niya ito at nang lumipas ang ilan pang sandali ay nakita niya ang tren.
Panay ang busina nito subalit mas umagaw ng kanyang pansin ang hindi pamilyar na tinig mula sa kung saan.
"Jacinto!"
But he couldn't even find where the voice came from, he was blinded by the lights, and the train was only a meter away from him.
He felt it.
He wanted to deny it but it was clear as he struggled to escape.
"s**t! Jacinto!"