[She] Confirmed. Buntis nga talaga si Mikee! It's now two weeks, kaya minabuti na rin nilang ipagpahinga muna niya ang sarili sa modelling at manatili ulit sa Cebu. Kakalapag lang ng eroplano at doo'y pagod na sumakay sa sundo nilang sasakyan. Kasama niya si Shin na todo assist na hindi siya mahirapan kahit na sa pag-upo o pagsandal sa kotse. Napaka-OA nito na halos dinaig na ang daddy Cloud niya sa anak niyang si Storm. "Just take rest, mahal. Gigisingin lang kita kapag nakarating na tayo," masuyong lambing ni Shin na hinalikan pa siya sa noo. Tama nga ang sinabi nito dahil nahihilo siya kanina pa sa byahe. Lumipas ang ilang minuto at narating na nila ang mansion, doo'y nakatayo ang ama nilang si Cloud habang karga ang batang paslit na si Storm. Nakangiti ito at inaasahan ang ka

