[Surprise] Alas 10 na nang gabi sa sandaling iyon, kaya wala nang mga panauhin sa bahay ng mga Guererro, at halos pumanhik na rin sina Mikee at ang iba pang kapatid ni Primo sa kanilang nga kwarto. Naiwan sina Primo at Shin sa may veranda habang umiinom ng alak. Matagal-tagal na rin kasi nang magkaroon ng oras si Primo sa mga pinsan niya dahil puro na lang siya trabaho sa mansion ng mga Lastimosa. "So, anong plano mo ngayon kuya? Kailan ka pala mag-aasawa?" tanong ni Shin kay Primo. Lumagok ito ng inumin bago sumagot. "Kung dumating siya," tipid na sagot nito kay Shin. "Sinong siya?" "Hindi mo siya kilala, hindi rin niya ako kilala pero ako.. matagal na." Ani nito na ikinalito ni Shin. "Hindi kita maintindihan, kuya. Paano mo nasisigurado ang planong iyan, e di ba sabi mo hin

