[Province] Masayang nakihalubilo sina Mikee at Shin sa pamilyang Guererro. Namayapa na pala ang mga magulang nila Primo kaya ang nadatnan nila doon ay ang mga kapatid nito, iilang kakilala na siyang naging guardian ni Primo at ng mga kapatid niya. Si Don Jesus Lastimosa, isa itong kilalang politiko at dating gobernador doon. Nasa veranda si Mikee na noo'y nagpapahangin nang biglang tumabi ang youngest sister ni Primo na si Ada. "Hi ate Mikee, narinig ko pong ikaw pala ang napangasawa ni kuya Shin. Alam niyo po, aside po kay kuya Sherwin, napakabait po ni kuya Shin, katunayan nga ho, minsan na kaming napunta sa bahay nila sa Cebu. Doon kami nanuluyan nang mamatay sina mama at papa." Sabi pa ni Ada na tantya niya'y nasa edad bente lang. "Gan'on ba," ngumiti si Mikee at umupo sa couch

