[Proud] Nilang linggo na ang nakalilipas kaya halos kabisado na ni Mikee ang bawat pag-pose at pamumuhay bilang isang sikat na modelo, she is reaching her dreams to be known. At katambal ng kaniyang pagningning ay ang mga kontrobersyal patungkol sa kaniyang maagang pagdadalang tao noon. Hindi niya akalain na napaka-stress pala ang mundong ginagalawan ng pamilya niya, ang mundong kinabibilangan niya bilang isang Romero. Sa katunayan, mayroon na siyang personnel, attorney at mga opisyal na pwedeng magtanggol at mag-assist sa kaniya. Nanlalambot siya habang noo'y humiga sa tent ng studio, gusto niyang umidlip kaya sinabihan niya ang kaniyang assistant at make up artist na magsi-siesta muna siya. Nasa loob na siya nang mapansin ang messages sa kaniyang phone. Agad naman niya itong binuks

