[Farewell] "In the name of the father, and of the son, and of the holy spirit, amen." Iyon ang narinig nila mula sa katahimikan, kung saan tahimik nilang dinaramdam ang pagkawala ng namayapa nilang ina na si Windy. Nasa sementeryo silang lahat habang tanaw ang pagbaba ng kabaong nito sa ilalim ng lupa. Tahimik lang si Claudio habang tanaw iyon. Nasa tabi naman niya ang mga kapatid na nakikiramay sa pagkawala ng asawa nito. Nasa gilid din si Miggue at Kiel na nakataw sa parteng iyon, tahimik na umiiyak si Miggue habang si Kiel naman ay panay himas sa likod nito. "Shhh, it'll be alright." Sabi pa ng binata sa fiancee niya. Mayamaya pa ay nagsi-alisan na ang mga tao at doo'y nagpa-iwan sina Miggue at ang ama niyang si Cloud. Nagpaalam din si Kiel na maghihintay na lamang siya sa kotse

