[Move on] Napagpasyahan ng ama nilang si Claudio na pumunta muna sila Miggue at Kiel sa bayan ng San Luis, ang lugar ng mga magulang ni Kiel na sina ginoong Michael at ginang Helena. Mas makabubuti sa pagkasintahan na magpalamig muna sa stress na nakapalibot sa kanila ngayon. Kakarating lang nila sa lugar na iyon habang tanaw ang pagbusilak ng bukang liwayway. Malamig ang hangin sa bandang iyon, nakatayo sila sa talampas habang tanaw ang bukirin sa ibaba, maganda ang tanawin ng probinsya kaysa sa syudad. Maraming puno ang nandoon, payapang tanawin na walang bahid ng polusyon. "A perfect view, Ang ganda.." sabi pa ni Miggue na noo'y inuunat ang braso. Nakasandal siya sa bumper ng kotse ni Kiel habang dinadama ang samyo ng hangin. Lumapit sa kaniya ang binata at masayang ngumiti. "

