[Sherwin] "Anyone else who wants to share?" iyon ang sabi ng pastor na nagsasalita sa harapan. Nasa burol sila ngayon, sa tahanan ng mga Dela Cuesta. Nandoon ang lahat para makiramay. Sherwin Dela Cuesta is now reborn to heaven, no hatred, no pain and no reason to be lost again. Dahil sa pagkakataong iyon, namulat sa katotohanan ang lahat. Namulat sa katotohanan ang mama at papa nila Shin sa totoong hinaing ng namayapang anak, at sa puntong iyon, nabayaran nito ang mga sakit na dinulot ng kaniyang kamalian. Sherwin leave a billion amount shares to his family, ginawa nito ang nararapat bilang panganay, na maisalba ang nagkukumahog na estado ng Dela Cuesta. Nalaman din nila na sa panahong nagtatago ito, nalaman nilang namuhay pala ito sa mga dating kasambahay nila sa bahay, pina-aral nito

