[Saved] Aligaga si Shigoy nang mga oras na iyon, kasama niya sa hospital si Mikee habang sinusuri at nilalapatan ng lunas sa sitwasyon nito. Hindi niya alam ang gagawin lalo na ngayon, he was devastated on what happened to Aling Inday, at sa sanggol na si baby Storm. Kumilos na ang kapulisan at mga tauhan ng pamilya nila, nandoon na rin si Miggue at Kiel na inaasikaso ang kaganapan. Nanghihina siya habang tanaw ang asawang si Mikee na ngayo'y nakahiga sa kama. "Please wake up, please come back, hindi ko alam ang gagawin ko Mikee, kailangan kita." Ani nito na noo'y hawak-hawak ang palad ng asawa. Mahimbing lang itong natutulog. Nangingilid ang luha niya sa mga oras na iyon nang biglang may tumunog sa kaniyang bulsa. It's his brother! Tiim-bagang na sinagot niya ito, nakinig lamang

