[Abducted] "In the name of the father, and of the son, and of the holy spirit, Amen." Sabi ng pari habang binebendetahan si baby Storm. Nasa simbahan sila para sa pagbibinyag ng sanggol na noo'y dalawang buwan na. Mabilis na umikot ang panahon, lalo pa't isang buwan na lang din para tuluyan nang makasal sina Miggue at Kiel, bago pumunta at mamuhay sa Espanya. Nandoon lahat ang pamilya Romero, at mumunting kaibigan ng pamilya nila. Akay-akay ni Mikee ang sanggol habang noo'y ablang nagpapakuha sila ng litrato. Nakahilera ang lahat ng naging ninang at ninong ni baby Storm. Lalo pa't ito ang unang apo sa tuhod ng namayapang si Storm Romero, at ang unang apo sa talampakan ng tanyag na si Don Glavio Romero. "Say cheese," sabi pa ni Stellar na pinsan ni Miggue at Mikee na siyang nangunguna

