Chapter Twenty Three Kris’ Nagising ako dahil sobrang lamig ng hangin. Nakabukas ang electric fan sa kuwarto ni Ailee, maging ang isang bintana nito. Bumangon ako sa kinahihigaan naming dahil naiihi ako. Tinignan ko ang cellphone ko, it’s already past 5:00 in the morning. Medyo mahamog sa labas kaya sinara ko nalang ang bintana at binalot ulit ng kumot sila Emman at Ailee. Medyo nahihilo ako dahil sa dami ng nainom naming kagabi pero kaya ko namang maglakad papuntang banyo. Paglabas ko ng banyo, may naaninag akong nagtungo sa kusina. Wala akong ideya kung sino na ang gising sa bahay na ito ng ganitong oras maliban sa akin. Dahan-dahan akong naglakad papunta roon. Wala na akong ibang nakita pa sa kusina. Nilibot ko ang paningin ko sa pagbabaka sakaling nagtatago lang ito pero wal

