Chapter Twenty Two Ailee’s ”Dalawang linggo, ewan ko lang kung sapat ba ‘yan para mahingi mo ang anak ko sa ‘min.” sabi ni Papa. Lahat kami napalingon sa kanya matapos no’n. Nagkibit balikat lang aiya at itinuloy na ang pagkain niya. He seems serious about it. But Kris and I are more than dedicated or perseverance to prove our love to them. Kagaya ng sinabi ni Kris, there is no turning back. Hindi kami bumyahe ng malayo para umuwi lang kaagad. Matapos ang hapunan, niyaya kaming lahat ni Papa sa sala. May hinanda raw siya para sa ‘min. Wala kaming ideya kung ano man ‘yon dahil mula no’ng umuwi siya, sa hapag kainan na kami nakapagkita. Napag-usapan namin ni Mama ‘yon kanina habang tinutulungan ko siyang maghugas ng mga pinagkainan namin, maging siya, wala ring ideya sa kung ano ang

