Kinaumagahan, maaga kaming ginising ni Mama dahil gusto raw ni Papa na mamasyal ngayong araw. Gusto raw niyang sulitin na buo ang pamilya namin ngayon. Biglaan ang plano ni Papa pero magandang ideya nga ‘yon. Nasa biyahe kami papunta sa kaibigan niya sa Laiya upang makisuyo kung p’wede namin gamitin ‘yong cottage nila sa may dalampasigan. Kababata ni Papa ang kaibigan niyang ‘yon at ninong din naming magkakapatid kaya for sure, pagbibigyan no’n ang hiling namin ni Papa. “Ano nang balak mo?” biglang tanong ni Papa. Naka-red light ang stop light kaya nakahinto kami. Sakay kami ng auto niya papunta roon. Hinarap ko siya pero siya nakatuon lang ang atensyo sa daan. “Balak saan, Pa?” maang-maangan kong sabi sa kanya. “Sa pamilya mo. Hahayaan mo bang magkahiwalay kayo ni Ange? Kilala kita,

