[Carlo's] Kinabukasan, nagising ako dahil sa ingay ng mga bata. Ginigising nila ako at sinabing umalis daw ang Mama nila. Kaagad akong bumangon para kumpirmahin ang mga sinasabi nila. Bumaba ako sa kusina pero wala akong ibang nakita roon. Sunod kong pinuntahan ‘yong likod bahay namin, pero wala rin. Nagtanong na rin ako sa ibang kapitbahay namin kung may nakapansin ba sa kanya pero maging sila, hindi nila alam. Bumalik ako ng balak para tawagan siya pero napahinto kami ng marinig kong nagri-ring ang cellphone niya sa kuwarto namin. Napasuntok ako sa pader sa inis. Siya pa talaga ang may ganang iwanan kami. Sinubukan kong tawagan ang ilan sa mga kaibigan namin pero hindi pa raw nagagawi sa kanila si Ange. Hindi ko alam kung wala ba talaga silang alam o kung pinagtatakpan lang nila s

