Chapter Twenty Eight Carlo’s Naglakad na ako palayo sa kanila. Alam kong napasobra ako sa mga sinabi ko at aminado akong nagkamali ako roon. Hindi ko lang napigilan ang sarili ko dahil ayoko sa lahat ‘yong nangengealam sa away ng pamilya namin. Alam kong maganda ang intensyon nila Ailee at Kris, pero hindi ko nalang basta matanggap ‘yon. Mula nang maging kami ni Angelica, wala na akong ibang pinangako sa sarili ko kung hindi itataguyod ko ang pamilyang bubuohin namin. Gagawin ko ang lahat para mabigay sa kanila ang magandang buhay na wala na silang iba pang hihilingin. Mataas ang pangarap ko sa pamilya ko at hindi ko maatim na may ibang tao na pumapel sa responsibilidad ko sa pamilya ko. Mali ba ‘yon? Wala naman akong ibang pinangarap kung hindi ang masaya at masaganang buhay para s

