Chapter Twenty Seven Ailee’s Tanghali na kami natapos sa paghahanda at lahat ay excited na, lalo na ang mga bata. Matagal na noong huling nagkasama-sama kaming pamilya at sa tingin ko, magandang pagkakataon na rin ito para mas makilala ng pamilya ko sila Kris at Emman. Hindi kami kasya sa auto ni Papa kaya hiniram niya muna ang sasakyan ng kaibigan niyang nakatira sa Laiya. Nakapag-setup na rin daw sila roon kahit papaano at plano ni Papa na matulog ng isang gabi roon. Wala naman kaming magagawa dahil mukhang planado na ang lahat ni Papa. Katabi ni Papa sa driver’s seat si Kuya Carlo. Habang sa kasunod naman na mga upuan naman sila Mama, Ate Ange at ang dalawang bata. Kami naman nila Kris, Emman, PJ at Toto ang nasa pinakalikuran, kasama ng mga dala naming pagkain. Masayang nagkukw

