Enjoy reading! Sa huling araw namin dito sa Boracay ay talaga sinulit ko. Tapos na ang mga gagawin ni Harvey rito at ngayon nga ang huling araw namin dito dahil bukas ay uuwi na kami sa Manila. At sinabi rin niya na rest day ko ngayon kaya naisipan kong gumala upang bumili ng pwede kong pang regalo kay Jarenze at kay tita pag-uwi ko. Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ko ay lumabas na ako ng kwarto at nakita ko si Harvey na abala sa kanyang laptop. Napatingin siya sa akin nang makita niya ako. "Saan ka pupunta?" Tanong niya. "Mamamasyal. Hindi ba rest day ko naman ngayon?" Tanong ko. "Yes. Wait me here sasama ako sa 'yo." Sabi niya at mabilis na isinara ang laptop niya at agad na tumayo at pumunta sa kwarto niya. Ang sabi ko ako lang dapat ang gagala ngayon. Para naman sana kahit ngay

