Enjoy reading! Umagang unaga kinabukasan ay may natanggap akong message mula kay Harvey. Pinapapunta niya ako sa kanyang condo unit upang maglinis. Ang kapal naman ng mukha niya para utusan ako. Secretary niya ako at hindi kasambahay. Ang yaman-yaman niya tapos kahit taga kuha ng taga linis sa condo niya ay hindi niya magawa. At saka hindi ko alam kung saan iyon. Ayaw ko sanang pumunta ngunit biglang tumunog ang selpon ko at pangalan ni Harvey ang lumabas sa screen. "Hello." Walang gana kong sagot. "Bakit hindi ka nagre-reply sa sa message ko?" Tanong niya mula sa kabilang linya. "Sir, ipaalala ko lang po sa 'yo na secretary mo ako at hindi kasambahay." Sagot ko. "Dodoblehin ko ang sahod mo. Just come here." Sabi niya. "Ayaw ko. Ikaw na lang maglinis ng condo mo." Sagot ko at

