Enjoy reading! "Bakit ganon ang sinabi mo sa mga magulang mo?" Bulyaw ko sa kanya nang umalis na ang kanyang mga magulang. Ngunit parang wala siyang naririnig. Kanina pa ako salita nang salita rito ngunit parang hangin lang ako sa kanya. Diretso pa rin ang tingin niya sa pinapanood niya sa tv. Pagkaalis ng mga magulang niya ay agad akong nagbihis dahil hindi ako komprtable sa suot kong dress. "Harvey, naririnig mo ba ako?" Naiinis kong tanong. Tumingin siya sa 'kin. "Of course." Sagot niya. "Sabihin mo nga ang totoo. Akala ko ba girlfriend lang at bakit naging fiance?" Tanong ko. "Bakit, ayaw mo?" Tanong niya. "Sino ba ang may gusto?" Sagot ko. "Ako." Maikli niyang sagot. "Wala talaga akong maaasahang sagot sa 'yo. Sabihin mo sa mga magulang mo na hindi totoo na mag fiance ta

