Enjoy reading! Kinabukasan ay sinundo na naman ako ng driver ni Mr. Lagatuz. At habang bumabyahe kami ay nagtataka ako dahil iba ang tinatahak naming daan. Hindi ito ang daan kahapon. "Kuya, bakit po ibang daan ang dinadaanan natin?" Tanong ko at medyo kinakabahan na. Baka mamaya ay kung saan ako dalhin nito. "Ma'am, doon po tayo pupunta sa company ni Mr. Lagatuz." Sagot niya habang nakatingin sa daan. Bakit ang company ba kahapon hindi ba iyon kay Mr. Lagatuz? Kung hindi iyon sa kanya kanino iyon? "E 'di ba po company niya 'yong kahapon kung saan mo ako hinatid?" Tanong ko. "Ay hindi po, ma'am. Ibang company po iyon." Sagot niya. Ibang company? Kaninong company iyon? Akala ko ay kay Mr. Lagatuz 'yon. "Kaninong company po iyon?" Tanong ko. "Hindi ko po alam, ma'am. Itanong niyo na

