Enjoy reading! Kinabukasan, dahil nasa bahay na lang ako at wala ng trabaho ay lahit late na ako gumising ay okay lang. Habang nag-iisip ng pwede kong gawin ngayong araw na 'to ay bumangon na ako at pumunta sa banyo upang maligo. Bigla kong naisip sina tita at Jarenze. Simula nang ikasal kami ni Harvey ay hindi ko pa sila nakakausap. At dahil wala naman akong trabaho ay bibisitahin ko na lang sioa ngayong araw. Pagkatapos kong maligo at magbihis ay lumabas na ako ng kwarto at bumaba ng hagdan. Ngunit nagulat ako nang makita ko si Kyle sa sala na nakaupo. Nang makita niya ako ay agad siyang tumayo. "Good morning po, Ma'am Abigael." Pagbati niya. "Good morning din." Sagot ko. "Ma'am, pinabibigay po ni Sir Harvey." Sabi niya at may iniabot na isang itim na card sa akin. "Para saan

