Enjoy reading! Ilang araw na rin ang lumipas matapos ang nangyaring kaguluhan. Nakakulong ngayon si Kian dahil hindi ako papayag na hindi mabigyan ng hustisya ang pagkawala ng mga magulang ko. Ilang taon ko rin hinintay 'to. At hindi ko palalagpasin ang pagkakataon na makulong na ang may gawa no'n. Napatingin ako sa pinto nang may kumatok. Tatayo na sana ako nang maunahan ako ni Jennysa pagbukas ng pinto. Hinintay ko na lang kung sino iyon at napangiti ako nang makita ko si Jarenze at Tita Rose na pumasok. "Abby, anak!" Tawag ni tita habang papalapit sa kinatatayuan ko. Agad ko naman siyang niyakap. Simula kasi nang ikasal kami ni Harvey ay hindi pa sila nakakapunta rito. "Tita, napadalaw po kayo?" Wika ko. "Gusto ka lang namin makita. Nabalitaan kasi namin ang nangyari sa inyo ni Ha

