Enjoy reading! Pagkatapos akong iligtas ni Harvey kay Angelica ay dinala niya ako sa hospital. Narinig ko na mayroong mga tao sa paligid ko kaya iminulat ko ang aking mga mata at nakita ko si Tita Rose at si Jarenze. "Abby, anak. Diyos ko, mabuti at gising ka na." Nag-aalalang sabi ni Tita Rose. Lumapit naman siya sa 'kin at niyakap ako. "Abby, pinakaba mo kami ni Tita Rose, alam mo ba 'yon?" Naiiyak na sabi naman ni Jarenze. "Mabuti na lang at walang nangyaring masama sa 'yo at sa magiging apo ko." Nagulat ako sa sinabi ni tita. Magiging apo niya? Buntis ako? "B-buntis po ako?" Gulat kong tanong. "Hindi mo pa ba alam, Abby? Ang akala namin ay alam mo na at hindi mo lang sinabi sa amin." Sabi ni Jarenze. Totoo nga na buntis ako. May baby na sa sinapupunan ko. "Buntis ako? May bab

