I was speechless. Hindi ko rin alam kung ano ang isasagot ko kay Stu. Nakatayo lang ako na parang tuod at nakatingin sa dingding ng kwarto niya. ‘Yong dibdib ko ay walang tigil sa pagkabog. My heart feels so heavy. Hindi na rin ako magtataka kung naririnig ni Stu ang malalakas na t***k nito. At kung naririnig naman niya, parang wala naman siyang pakialam. Mukhang mas nagfo-focus siya sa nararamdaman niya. Hindi ko alam kung gaano katagal kami sa ganoong posisyon. Napansin ko na lang na suminghot ulit si Stu. Idinikit niya ang noo niya sa noo ko. Kitang-kita ko kung paano tumulo ang mga luha niya. Gusto kong magsalita pero parang nablangko ang utak ko. Wala akong maapuhap na mga salita. Para lang akong estatwa na nakatayo sa harapan niya. Namanhid na ba ako kaya wala akong maramdaman? Sum

