Chapter 41 Nasa sasakyan na kami pauwi ng bahay. Pareho kaming tahimik ni Stu. Simula noong umalis kami sa bahay ni Jake ay hindi na siya nagsasalita. Nananatiling pinid ang mga labi niya at nakakunot-noo. Hindi na rin siya nangungulit. Though binubuksan niya pa rin ako ng pinto o hinahawakan sa siko kapag naglalakad kami pero hanggang doon na lang ‘yon. Hindi na siya umiimik. He’s not even trying to create a conversation. Sumusuko na ba siya? Ang dali naman yata. Not that I care. Bahala siya sa buhay niya. “Mommy, Daddy, are you fighting each other po?” tanong ni Alex na siyang bumasag ng katahimikan namin. Sabay kaming nagkatinginan ni Stu. Tiningnan niya si Alex sa rearview mirror habang ako naman ay lumingon sa likod. Nasa backseat si Alex at ako naman ay nasa shotgun seat katabi

