Chapter 40

1293 Words

SA AWA ni Lord, natapos ang pananghalian namin nang matiwasay kahit pa nga palihim na nagbabangayan sina Jake at Stu. Pareho silang nag-uunahan kung sino ang maglalagay ng pagkain sa plato ko. Hindi lang iyon, nagtulakan pa sila kung sino ang makakatabi ko sa upuan. Pabilog ang glass dining table ni Jake. Katabi ko na si Alex sa kaliwa ko. Si Jake ang nakaupo sa bandang kanan ko. Nang-aasar pa na ngumisi ang loko kay Stu. Napapailing na lang ako sa kanilang dalawa. Kung ako ay inaasikaso si Alex, silang dalawa naman ay panay ang lagay ng pagkain sa plato ko. Kapag nakikita nilang dalawa na wala ng laman ang plato ko ay lalagyan nila iyon ulit. “Diyos ko! Gusto niyo ba akong tumaba at patuloy kayong naglalagay ng pagkain sa plato ko? Wala akong maging dabyana, ha?” Pinandilatan ko sila

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD