Kanina pa ako inis na inis habang tinitingnan sila Jake at Shin. Masaya silang nagku-kwentuhan sa kusina habang naghihiwa ng mga sangkap para sa lulutuin ni Shin. Kitang-kita ko sila mula sa sala. Malaki ang condo ni Jake pero ganoon pa man ay kitang-kita ko ang lahat ng parte ng bahay, bukod na lang sa mga kwartong may pinto. Nakapwesto sila sa may island counter ng kusina at nakaharap pa sila sa amin kaya kitang-kita ko ang harutan nila. Dalawa kami sa sala ni Alex habang ang huli ay masayang nanonood ng paborito niyang palabas sa tv. Nakaupo ito sa tabi ko. Ang dalawang paa nito ay nakapatong sa inuupuan namin. Ang kanang siko nito ay nakapatong sa kanang hita nito habang nakapangalumbaba. Halos gusto ko na silang sugurin dalawa lalo na si Jake na nasa tabi lang ni Shin. Dikit ito nan

