Hindi ko alam na nakatulog pala ako nang tuluyan nang humiga ko sa tabi ni Alex. Akala ko matatagalan bago ako makatulog dahil masyado akong nainis sa sagutan namin ni Stu. Tiningnan ko ang orasan na nakasabit sa pader. Alas otso na ng umaga. Kailangan ko ng bumangon para sa agahan. Lumingon ako sa anak kong nasa tabi ko na himbing na himbing pa rin ang tulog. Napangiti ako. Hinaplos ko ang noo niya bago napagpasyahan na bumangon na para maipaghanda sila ng makakain. Akmang babangon na ako nang may maramdaman akong mabigat na bagay sa may tiyan ko at parang may tumutusok sa bandang pwetan ko. May kutob na ako kung sino ang nasa likuran ko pero siniguro ko pa rin na siya talaga. Dahan-dahan akong lumingon sa likuran ko at tama nga ang naging hinala ko. Mahimbing rin na natutulog si Stu

