Chapter 26 - Stuart

2317 Words
Pinuntahan namin ni Mommy sa morgue ang bangkay ni Shin. Pagkapasok namin ay nandoon ang staff ng morgue at ang dalawang police. They were the same police who went to the house last night. They lead us to where they put Shin. Nakalagay ito sa isang higaan at natatabunan ng puting kumot. Nakalabas pa ng bahagya ang kamay nito na nakakuyom na nangingitim na dahil sa pagkasunog. Masuyo akong nakaakbay kay Mommy habang inaalalayan siya papunta sa kinalalagyan ni Shin. She has her hands covered her mouth. It's like she's trying so hard not to cry, but still a gasp came out from her. She was crying silently while looking at Shin's burnt body. Mukhang ‘di na nito nakayanan ang nakita at napayakap na siya sa akin nang tuluyan. Malakas siyang napahagulgol. "Nakikiramay po kami," pormal ang mukhang sabi ni SPO2 Alba. "We can conduct DNA testing to verify the identity. Basi po sa initial investigation namin, mukhang naaksidente po siya at nahulog mula sa burol ang kotse niya. Nag-cause ito ng spark sa sasakyan at dahil may na-spill na gas kaya po ito sumabog. Our initial findings don't show any foul play." Bahagya lang akong tumango, unable to say anything. I was still in shocked. It's still so hard to believe that she is gone. Napatitig ako sa kamay niyang nakausli. Nakakuyom ito. Tinitigan ko iyong mabuti at mukhang may hawak itong kung ano. Tumingin ako sa staff ng morgue. "Can you please check? It seemed like may hawak siyang kung ano sa kamay niya." Sabay turo sa nakakuyom na kamay ni Shin. Napatingin din si Mommy sa tinuturo ko. Agad naman itong tumalima at maingat na maingat na kinukuha ang bagay sa kamay ni Shin. It was an infinity designed gold bracelet. May maliliit itong diamonds na nakapalibot sa infinity symbol. Kilalang-kilala ko ang bracelet na iyon. It's because I was the one who gave it to her. I gave it on her 18th birthday. I can still remember how happy she was when I gave it to her. "No need to conduct any DNA testing," malungkot na deklara ko sa kanila. "Confirmed. It is Shin. I gave her that bracelet." My heart sank. I felt angry and regretful at the same time. I was so angry with myself that I was not able to tell her that despite everything that had happened between us, she is still one of the special persons in my life. I regretted the day I was not able to tell her that she was already forgiven and how much I missed us. How I missed her laughs! The way she cares for me and the look on her face while she's taking care of our daughter. I regretted the day that I hurt her. The tears that I've caused her. Ni hindi man lang ako nakapag-sorry. Mas pinairal ko ang pride ko. Now it's too late. Things will never be the same again… At first, I thought that having her gone would be the happiest, but damn I was so wrong. It felt like a part of me died too and I wanted to scream so hard. I'm hoping that maybe it will wake me up from this nightmare. Pero kahit mamaos pa siguro ako sa kakasigaw, she will never come back. "We will keep this bracelet for evidence." ani SPO2 Alba. "I know you have already identified the body and we also got your request to have it cremated after the investigation, but if you want po we can preserve her tooth for DNA testing, just in case you want to do it in the future," the staff suggested. "If that's the best thing to do then go ahead. I'll sign the documents needed." The room was so suffocating and I could no longer bear it. I felt so numb. I directed Mom towards the exit while she continuously cried. She took her handkerchief from her bag and wiped her tears but it just kept on falling. I, on the other hand, tried so hard not to shed a tear even though my heart was broken again into a million pieces. MOM was quiet the whole time and I understood her. She was very close to Shin and it pained her so much to see her like this. Pagkadating namin ng bahay ay hinatid ko na siya sa silid niya. Dumiretso lang siya sa kama niya at nahiga roon na nakatalikod sa akin. Hindi ko na rin siya kinausap. Nang masiguro kong maayos na siya ay sumilip ako sa kwarto ni Alex. Nakita kong mahimbing na ring natutulog sa kuna ang anghel namin ni Shin. Nag-iisa lang siya sa silid niya marahil ay umalis muna ang yaya niya dahil natutulog naman ito. Parang nakikita ko si Shin na nakaupo sa harap ng kuna ni Alex at marahang kinakantahan ito ng lullaby. Biglang sumikip ang dibdib ko. My daughter will never get to experience that again. She will never able to feel or see how much her mother loves her. Every corner of my daughter's room reminds me of Shin. Every corner made me remember the emotions she had while she was in the house: her laughs, her singing and even her cries. And now she's gone, I don't understand but I regret it so much. Hindi ko makayanan ang katahimikan sa kwarto ni Alex. Para akong nabibingi, nasasakal. Kaya muli kong isinara ang pinto at hindi na nagtangkang pumasok. Hindi ko alam pero para akong napapaso sa kwarto ni Alex. Inuusig ako ng konsensya ko. Kahit may kasalanan si Shin, hindi rin naman maipagkakailang may kasalanan rin ako. Nagawa ko sa kanya ang mga bagay na hindi dapat gawin ng isang lalaki sa isang babae. It was not entirely Shin’s fault that we have Alex. Dahil noong panahong ginapang niya ako. I am still aware. I just pretended because deep inside I love what she did. Nasagi lang talaga ang pride ko nang marinig ko ang usapan nila ni Risha. I thought she was different from all the women I met. Pero kagaya rin pala siya ng iba. She is such a manipulative person, a spokied brat. And I hate their kind. Sila ang mga taong madaling bumitaw kapag hindi na challenging ang lalaki. Sa takot kong sumugal, nawala ang pagkakaibigan namin ni Shin. I ruined her. Sinaktan ko siya emotionally and unfortunately, physically. And if only I could turn back the hands of time. I will never let cowardness envelop me. I could have said sorry for all the things I did. Pero gaya ng sabi nila, “Nasa huli ang pagsisisi.” Nagpunta ako sa Havens at agad pumuwesto sa medyong sulok ng bar counter. Agad akong umorder ng isang bote ng bacardi. Binuksan iyon ng bartender at sinalinan ako sa baso. Binigyan niya rin ako ng isang bucket ng ice. My emotions were in turmoil. Hindi ko alam kung bakit ako umiinom at kung bakit ko gustong mapag-isa. Ang alam ko lang ay nagsisisi ako. Gusto kong lunurin ang sarili sa alak. Baka mapanaginipan ko si Shin at kahit sa panaginip man lang ah makapag-sorry ako sa kanya. Halos nangangalahati na ang bote nang may babaeng tumabi sa akin ng upo. Umorder din ito ng margarita pero ‘di ko na pinag-aksayahang lingunin. Nag-focus na lang ako sa iniinom ko. Akmang ilalapit ko na ang baso sa bibig ko nang magsalita ang babae. "Mukhang ang lalim ng iniisip natin, ah?" Napasulyap ako sa kanya at ganoon na lang ang gulat ko nang makilalang si Blair pala ang babaing katabi ko. "Babe! Ano’ng ginagawa mo rito?" Humarap ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. Kahit na medyo mas madilim ang puwesto namin ay kitang-kita ko pa rin kung gaano siya kaganda. Simpleng bestida na kulay black lang ang suot nito at nakasapatos na may takong. Kahit siguro basahan ang damit nito ay babagay pa rin ito sa kanya. My girlfriend. "I'm perfectly fine, Stuart. May ka-meeting kasi ako kanina. I was about to go home nang makita kita. You look like someone who's very problematic. I haven't heard anything from you today which is very unlike you. So, I'm all ears!" anitong humarap din sa akin ng upo at nangalumbabang tumingin sa akin. Napangiti ako. Isa ito sa nagustuhan ko kay Blair. She is so sweet and caring— like Shin. Ipinilig ko ang ulo ko. This feeling is killing me. Why am I now comparing my girlfriend ti Shin? This is nuts. "Nah, I'm okay, just stuff in the house. I'm sorry I was not able to message you." I drank the alcohol till its last drop from my glass. I tasted the satisfying taste of it— bitter and yet refreshing. "If you say so, but it seems like there's a but there," anitong sumimsim sa sarili nitong inumin. Napailing ako sa sinabi niya at nagsalin ulit ng inumin sa baso ko. "It was about a family member. We just found out that she is dead due to a car accident." "Oh no! I'm so sorry, Stuart. My sincere and deepest condolence." Hinawakan niya ang mga kamay ko at marahang pinisil iyon. "You must be very close to her para uminom ka nang ganito." "Yeah, she was very close to me. We've been together since we were young halos magkasama na kaming lumaki." Napayuko ako. I don't want to tell Blair about her. It will just open a can of worms. She’s clueless when it comes to Shinohara. DAHIL sa pagka-guilty ko sa nangyari kay Shin noon halos mawalan ako nang oras kay Blair at kay Alex. I’m always drunk. It was like a part of me died too. Buti na lang at inuunawa ako ni Blair. She was there for me while I’m mourning in silence. Ayokong umuwi ng bahay dahil parang nakikita ko ang nakangiting si Shin na naghihintay sa pag-uwi ko. Halos gabi-gabi ay umuuwi akong lasing para ‘di ko siya maisip, para hindi ko maramdaman ang sakit ng pagkawala niya. Kaya doon ko na napagpasiyahang bumili ng condo unit at doon muna manatili. Now that she’s back, I feel like she’s toying my feelings again. Feeling ko nai-invalidate ang nararamdam kong pagluluksa nang bumalik siyang buhay. I feel like she’s manipulating my feelings again. The pain and regret, all of the things I've experienced, she managed to ruin the family I wanted to build with Blair. And I’m starting to hate her again for playing with my feelings! PAPALABAS na ako ng ospital dahil nabigyan na ako ng go signal ng doctor kahit nakasaklay pa rin ako. I was also excited na mapuntahan si Blair. I have a lot of explaining to do. I just hope she will listen to me. Medyo matagal din kasi akong na-confine. Napuruhan talaga ako sa away namin ng best friend niya. I was so excited nang may makita akong kapareha ng bulto ni Blair. I thought she was here to visit me. Buti ag naabutan niya ako. Ang ipinagtataka ko lang ay may kasama siyang lalaki. Binilisan ko ang paglakad ko para masigurong siya nga iyon. "Blair?" tawag ko sa babae nang makalapit ako sa kanila. Biglang sumikip ang dibdib ko nang makitang magkalapat ang mga labi nila. Agad naglayo ang dalawa nang marinig nila ako. Magkasabay silang lumingon sa akin. Parehong nanlaki ang mga mata namin nang makumpirma kong si Blair nga ang babae at ang walang hiya niyang best friend ang kahalikan niya! Unti-unting umusbong ang poot sa dibdib ko. I tried so hard to brush off that pain. Kahit nakaramdam ako ng galit dahil sa nakita ko, nanaig pa rin ang kagustuhan kong magpaliwanag kay Blair. Marahil ay ‘di naman siguro niya ginusto ang halik at baka pinilit lang siya ni Ken. "Blair, let me explain..." Aabutin ko sana ang kamay ni Blair nang agad na humarang si Ken sa pagitan naming dalawa. "Back off, Pare. Wala kang karapatang kausapin si Blair after what you've done," nangangalaiti sa galit na wika ni Ken. Nakakuyom na rin ang kamao niya, nagpipigil na ‘wag akong suntukin. "Ako pa?! Ikaw ang walang karapatan dahil isa kang bantay-salakay! Best friend pa kamo?! F*ck that word! Mang-aagaw!" hindi ko mapigilang sigawan siya. Napapakuyom ang kamao ko at gustong-gusto ko na siyang suntukin. How dare he? Akmang susugurin ako ni Ken pero agad itong hinawakan sa braso ni Blair. Napatigil ito at bahagyang nilingon si Blair "Ken, ‘wag mo nang patulan please," nagsusumamo nitong sabi. "Wala na tayong dapat pag-usapan, Stuart. Tapos na ang lahat sa atin besides may asawa na ako. Bumalik ka na lang sa mag-ina mo." Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Ano’ng ibig niyang sabihin na may asawa na siya?! "Hindi!” mariin kong tutol. “You have to hear me out first, Blair. I can explain everything just give me a chance," pagmamakaawa ko sa kanya. Halos manlabo na ang paningin ko dahil sa namumuong luha sa mga mata ko. Damn! What is this, another heartbreak?! "What for? There's no us na, Stuart." "No!!! I love you, Blair and I will do anything para bumalik ka sa akin. Kailangan mo lang pakinggan ako! The woman you spoke with is sick in the head!” I was so desperate. Lalapitan ko sana si Blair para mahawakan ang kamay niya pero nakawala si Ken sa pagkakahawak nito at ubod lakas akong sinuntok. Hindi ko inaasahan iyon kaya ‘di ako nakailag. Malakas na tumama iyon sa pisngi ko. Nanlaki ang mga mata ko nang matagpuan ko ang sariling nakahiga sa sahig. Nalasahan ko pa ang dugo mula sa labi ko. "When I say back off, back off kung ayaw mong maembaldo!!" nalilisik anv mga matang sigaw sa akin ni Ken. Dali-dali niyang hinawakan si Blair sa siko at inakay na ito palayo sa akin. "Blair!!! I will not stop!!! Kukunin kita sa kanya tandaan mo yan!!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD