Chapter 27

3534 Words
"Nagmumukmok ka na naman." Napalingon ako sa pinanggalingan ng tinig. Nakita kong papalapit sa akin si Jake. Nakasimpleng black cargo shorts lang siya at naka-black Under Armor na t-shirt. Amoy na amoy ko ang panlalaki niyang pabango na para bang nang-aakit sa tuwing maaamoy mo ito. Bahagyang nakakunot ang noo nito at malamlam ang mga matang nakatingin sa akin. Nasa terasa ako ng condo niya. Nakadungaw ako sa madilim na paligid. Ang mga ilaw mula sa mga tahanan sa baba ay nagmistulang mga alitaptap na kumukuti-kutitap. Si Jake ang may-ari ng condo. Ipinagamit niya muna sa akin ito pansamantala. Minsan dinadalaw-dalaw niya ako para makumusta ang lagay ko. Malaking-malaki ang pasasalamat ko kanya dahil sa kahit busy siya sa paghahanap sa isang kapatid niya ay handa pa rin siyang tulungan ako. He's always making sure that I'm getting the help I need. "Hindi naman. Nami-miss ko lang iyong anak ko. Mga ganitong oras kasi kinakantahan ko siya para makatulog." "Do you need a hug?" He spread his arms like he's inviting me to embrace him. Pabiro pa niyang pinataas-baba ang dalawang kilay para pangitiin ako. "Gusto mo lang yata maka-tsansing eh," napapatawa kong tukso sa kanya. I don't know what it is with Jake. I feel comfortable with him. He gave me the sense of security na para bang safe na safe ako kapag kasama ko siya. It’s like there’s no harm will come to me when he’s around. Hinawakan niya ang kamay ko at masuyong hinila palapit sa kanya. Agad niya akong niyakap at marahang hinaplos ang likod ko. "Everything will be alright." "I hope so, Jake. I really hope so." Kumawala ako sa yakap niya pero hawak-hawak niya pa rin ang kanang kamay ko "C'mon, I brought some food. Katie prepared it. She misses you. Gusto nga noon na sumama sa akin dito kaso nagkaroon siya ng emergency sa hospital kaya ako na lang." Hinila niya ako papunta sa kusina at ganoon na lang ang tuwa ko nang makita ko ang mga paborito kong nakahanda na sa lamesa. "Awww, Katie is so sweet pakisabi sa kanya na salamat. Ang babait ninyong magkakapatid sa akin. Paano ko kaya kayo masusuklian sa lahat ng kabutihan ninyo sa akin?" Ngumiti ng matamis si Jake sa akin. Pinaghila niya ako ng upuan at inalalayang maupo. Siya na ang naglagay ng kanin at kare-kare sa plato ko. Nang masiguro niya na may tubig na ang baso ko, saka pa siya umupo sa silyang kaharap ko at naglagay ng pagkain sa sariling plato. "Hindi naman kami humihingi ng kapalit saka magkaibigan naman tayo. 'What friends are for?,' 'ika nga nila. Saka panigurado kung ‘di lang busy si Ken kay Blair malamang tutulong din iyon sa'yo ngayon. Dadamayan ka rin niya," anito na nagsimula nang kumain. Napahinto ako sa pagsubo sana sa pagkain na nasa kutsara. Para akong na-freeze nang hindi ko alam. Everytime na naririnig ko ang pangalan ni Blair, I suddenly felt insecure. Dalawang lalaki ang nag-aagawan sa kanya. Ang masaklap, ang isa doon ay asawa ko pa. Napatikhim ako. I can taste the bitterness on my tongue. Ibinaba ko ang kutsara sa pinggan at sumulyap kay Jake na patuloy lang sa pagkain. Ganadong-ganado pa ito. "Kumusta na pala sila ni Ken?" maya-maya'y tanong ko sa kanya. "I think they're doing okay. Buntis na si Blair and Stuart went to their house." Huminto ito sa pagsubo at tiningnan ako. "I figured he would do that. Hindi iyon titigil hanggang sa 'di niya nakukuha ang gusto. He's a very persistent guy." "And so I heard. Hinahanap ka nga raw. I didn't tell Ken your location, though. Ako at si Katie lang ang nakakaalam." I smiled. "Thank you, Jake. I really appreciate it." He stood up and took something from the fridge. When he got back, may hawak na siyang cake. I almost teared up because, on top of the cake, it says, 'Smile. You are not alone.' Napakagat-labi ako sa sari-saring emotion na nararamdaman ko. For all the things I did, I couldn't believe I'd met these people. I don’t even know how to thank them for helping someone like me. Naturingan akong mayaman rin pero wala akong control sa sarili kong pera. Tumingin si Jake sa akin at bahagyang napatawa. Mukhang nabasa nito ang iniisip ko. "Nah, no more thank yous. Qouta na kami sa'yo sa salitang iyan." Simpleng ngumiti ulit ako sa kanya. Hiniwa niya ang cake at binigay iyon sa akin pagkalagay nito sa platito. "Would you like some coffee to go with that?" tanong niya sa akin. Naghiwa rin ito ng cake para sa sarili. "Naku, ako na!" Umiling-iling pa ako. Tumayo ako at nagtungo sa counter para magtimpla ng kape para sa aming dalawa. May naka-brew na naman kaming kape. Kailangan na lang lagyan ng creamer at asukal. "I'm curious, paanong hinahanap ako ni Stuart? Kung iyong nanay niya ang naghahanap sa akin, I wouldn't be surprised." Binigay ko sa kanya ang isang tasa ng kape at umupo ulit sa silya. "I don't exactly know the reason pero ang sabi ni Ken, nangako raw si Stuart kay Blair na aayusin ang lahat basta maghintay lang daw si Blair sa kanya. So, what I'm thinking is baka he wants to settle everything to you. I highly doubt na maghihintay si Blair. Baka nga mas hihilingin pa noon na ayusin ni Stuart ang pagsasama ninyo kaysa sa magkabalikan sila. If that will happen, tatanggapin mo pa rin ba siya?" I sighed. "To tell you honestly, hindi ko alam. Hindi naman kasi nawawala iyong pagmamahal ko sa kanya. Kahit na nga ba ilang ulit na akong nasaktan. I want to unlove him, Jake. Gusto ko iyong sarili ko na naman ang mahalin ko. Siguro nasa akin na ang korona ng katangahan dahil kahit ilang ulit niya akong saktan emotionally and maybe physically, bumabalik at bumabalik pa rin ako sa kanya. Siraulo lang 'di ba? Tell me, Jake you're a psychiatrist. How can I unlove him?" "It's a process, Shin. It doesn't happen overnight. If you really want to move on, what you have to do first is love yourself more. Only then you can disconnect yourself from him. If you know your worth, you will not settle for someone who doesn't see it. You will not settle for someone less." I followed Jake's advice. I tried finding myself again. And even though I have to be discreet about it, I'm still enjoying it. I started doing things that I love and that includes painting. Marami-rami na rin akong nagawa and while I was finding myself, Jake was with me. He never left my side. He became the friend I never thought I'll have. He even suggested I should do an exhibit, which was not a bad idea. May mga kliyente na rin kasi akong bumibili ng mga paintings ko na mga kakilala lang din ni Jake. Kaya malaki talaga ang pasasalamat ko sa kanya. Now, unti-unti ko ng nabubuo ulit ang sarili ko. Soon, I will have the power to get my daughter from them. Natapos ko na ang isa kong painting nang mapagpasyahan kong pumunta sa Haven's. I know it's very risky pero may nag-uudyok sa akin na pumunta roon. I also want to unwind. Wala naman sigurong makakakita sa akin kung sa sulok lang ako. Mag-isa lang din kasi ako sa condo at mukhang hindi naman na ako hinahanap ni Angela. Hindi na ako nagpaalam kay Jake nang umalis ako. Baka kasi samahan niya pa ako. Kahit gaano pa naman ito ka-busy basta pagdating sa akin ay willing nitong isinasantabi ang lahat. I just don’t want to take too much of his time. Ayokong maisip ng iba na napaka-user ko. Isa pa I’m a married woman kahit pa nga hindi naman alam ng asawa ko na mag-asawa talaga kami. Nagsuot lang ako ng black plain shirt at tattered jeans. Naka-bull cap ako ng itim at sneakers ng puti. Ang buhok kong alon-alon ay hinayaan ko lang na nakalugay. Buti na lang at bakante ang pwesto sa may madilim na sulok ng bar. Naka-dalawang shot na din ako ng tequila sunrise nang may biglang humablot sa braso ko. Gulat na gulat ako nang makita na si Stuart pala iyon. Napakalaking coincidence! Well, not really. "I've been looking all over the world for you. Dito lang pala kita mahahanap," sarcastic niyang sabi. Matiim itong tumitig na para bang lalamunin niya ako sa laki ng galit niya sa akin. "Ba't mo pa hahanapin ang isang tulad ko? ‘Di ba nga sinabihan mo na ako to get away from you? Tapos ngayon maghahanap ka sa akin? Ano 'to lokohan?" matapang kong sabi sa kanya. I have enough of all his bullshits. This time lalaban na ako. Mukhang nagulat siya sa sinabi ko dahil bigla siyang natigilan. Ilang segundo rin siyang hindi umimik. "No, hindi lokohan 'to," aniya nang makabawi. "I have to fix everything that you did. You're a beautiful, smart woman, Shin, and I couldn't think of any possible reason why you're doing this to me. Now, you and I are going to talk and you will fix this mess that you've started." Pilit akong kumakawala mula sa pagkakahawak niya sa akin pero hindi ko magawa dahil masyadong mahigpit ang hawak niya sa akin. "No! Bitawan mo ako! Ayokong makipag-usap sa'yo!" "Sa ayaw at sa gusto mo, mag-uusap tayo!" Sapilitan niya akong hinila palabas ng bar. Halos wala ring nakapansin sa amin dahil sa medyo madilim at malakas pa ang music. Agad niyang binuksan ang pinto ng sasakyan niya at pasalya akong ipinasok sa passenger's seat. Hindi pa ako nakapag-seat belt ay pinaharurot niya na agad ang sasakyan. Sa bilis nang pangyayari, hindi ko na napansin na inihinto na pala niya ang sasakyan sa tapat ng isang building. Agad siyang lumabas at lumibot patungo sa pwesto ko. BInuksan niya ang pinto at hinatak niya ulit ako papalabas ng kotse. Nang matapat kami sa mukhang staff ng condo ay hinagis niya iyong susi niya na agad naman nitong sinalo. Hindi ito nagsalita at tahimik lang na tiningnan kami. Wala akong imik habang kinakaladkad na niya ako papasok ng building. Pumasok kami sa elevator na sakto namang bumukas agad ng pinindot niya iyon. Wala kaming imikan sa loob pero nanatili pa rin siyang nakahawak sa braso ko. Pagkalabas namin ng elevator ay walang ingat na hinila niya ulit ako patungo sa dulo ng hallway. Ni hindi ko na napansin kung ano’ng floor kami. Binuksan niya ang keypad ng tarangkahan at inilapat ang hintuturo. Pagkatapos noon ay nakarinig ako ng beep at bumukas na ang pinto. Wow, sosyal! Pagkapasok na pagkapasok namin sa loob ng unit niya ay isinalya niya ako sa sofa. Napaigik ako. Bw*sit talaga itong lalaking ito. Walang ingat! Buti na lang at malambot ang sofa kaya hindi ako masyadong nasaktan. "Now, let's talk." Huminga siya nang malalim na para bang pinipigilan ang sarili na hindi ako saktan. "Ano pa ba ang gusto mong pag-usapan?! Lumayo na ako sa'yo! At kahit gustong-gusto kong makasama ang anak ko, tinitiis ko na lang. Pero pinapangako ko, babawiin ko ang anak ko, Stuart!" I shouted. How dare he treats me like this again? "Lumayo ka sa akin?! Sana noon mo pa naisip ‘yan! Noong hindi mo pa sinira ang relasyon ko kay Blair! Sana naisip mo pa ‘yan noon nang hindi nagkandaletse-letse ang buhay ko!" ganting bulyaw niya sa akin. "Seriously, Stuart?! Bakit sa ginawa niyo ba sa akin hindi nagkandaletse-letse ang buhay ko? You and your mother put me in a psychiatric institution! Hindi ako baliw gaya nang idinidiin ninyo! Kinuha ninyo iyong time na sana'y magkasama kami ng anak ko! 'Di pa kayo nakuntento inilayo niyo pa siya sa akin!" pigil na pigil ang iyak na sigaw ko ulit sa kanya. Nabuhay na naman ang sakit na akala ko'y nakalimutan ko na. "You're sick! We did that for your own sake! Gusto ka naming mapabuti that's why we put you there! Para iyon sa kabutihan mo! Ngayon sasabihin mong nahihirapan ka?! Bullshit! Kung ‘di pa naman sana sira ang utak mo at ipinagpilitan mo pa talaga na mag-asawa tayo!" Napangisi ako sa inis. "Is that the reason why you wanted to talk to me? Ang ipagpilitang baliw ako? Sabagay kahit ano’ng sabihin ko ‘di ka naman maniniwala because you thought I'm really crazy. Kahit nga siguro sabihin kong kasal talaga tayo ‘di ka rin maniniwala. Sabagay sino nga naman ang pinaniniwalaan mo? ‘Di ba ang mommy mo lang?" "You're really sick! Pa'no naman napunta si Mommy sa usapan?" "Why don't you ask your mom?” agad kong putol sa kanya. “Matagal ko nang kinikimkim sa puso ko ang sakit dahil sa'yo at sa nanay mo! Mga wala kayong puso!" singhal ko sa kanya. Tuluyan na akong napahagulgol sa iyak. "Hindi mo man lang ba naisipan na kumuha ng CENOMAR? Sino ba ang nag-asikaso ng mga papeles ninyo para maikasal ka? Na-check mo ba?” I smirked. “ Palagay ko hindi. Naaalala mo ba noong panahong I became an orphan? That was the time she tricked you to sign the documents. You have no idea that it was not for my adoption. It was our marriage contract. “I was so in love with you that I even agree with that. I was told to have our marriage consummated. Sabi niya matututunan mo rin akong mahalin once na magkaroon tayo ng anak. That was why when you were so drunk, we took that as an opportunity para may mangyari sa atin! I was so stupid back then. I just did what they told me to do because I was so in love with you! And I never hurt your mom for goodness sake! Minsan natabig ko siya because she wanted to inject me with something that I don't want. They've been injecting me with something and it makes me lose myself kaya ayoko na noon. I was about to tell you about it pero sinaktan mo lang ako! Sinampal mo ako without knowing the real story. I was so hurt and angry. Wala nang nagtatanggol sa akin even Mama Rosing can't do anything. Siya na nag-alaga sa akin mula noong bata ako, walang magawa! Ikaw na lang sana ang tatakbuhan ko but you choose to hurt me! That's why whenever you're near I just wanted to throw something at you sa galit ko! I wanted to get away, pero mas ginawa ninyong masalimoot ang buhay ko. Nagtagumpay kayong iinject iyon sa akin kay ano’ng naging bagsak ko? Ipinasok ninyo ako sa mental! Nagtagumpay kayong gawin akong baliw! No one believed that I'm perfectly sane. When I got out of that sick hospital, all I wanted was to get away with my child—to run away. I don't want her to grow up in such a sickening family! “Pero ano’ng nangyari? I failed miserably. Nagbabalak na naman ng masama ang nanay mo! I immediately ran away from the house before she could do something to me only to find out that my car had been sabotaged. I met an accident and good thing Ken was there to save me. “She said she changed only to find out she changed for the worst. I never intended to break you, Stuart. But I believed when she told me that we could still be a family—a complete family. Ayokong ipagdamot sa anak ko ang isang kompletong pamilya. Pero sana pala 'di lang ako naniwala sa kanya. Sana kinuha ko na lang pala ang anak ko at nagpakalayo-layo..." I wept. He was stunned by my confession. I bet he was contemplating if I was telling the truth or not. Ano pa ba ang aasahan ko sa kanya? Mag-novela man ako ay ‘di pa rin siguro siya maniniwala. "Sino’ng sila ang tinutukoy mo?" he asked after a while. "Why don't you ask your beloved mother?!" galit na tanong ko sa kanya. "Are you trying to make some stories, Shin?" "Do you think may makukuha pa ako sa panlilinlang sa'yo? I don't have anything but my child, Stuart. I did what I did because your mother left me with no options. She has all the aces and I've got nothing. I knew it. You'll doubt me. Kailan mo ba ako pinakinggan? Kailan ka ba magbubulag-bulagan sa nanay mo? Because I'm so sick and tired of your mother manipulating all the people around me. ‘Di ba marami ka namang pera? Hindi ka naman umaasa sa nanay mo? Why don't you have your mother investigated? Kasabwat niya maski ang family lawyer namin. Bukod tanging si Ken lang ang naniwala sa akin. Bukod siya lang ang naglakas ng loob na tulungan ako. Siya na kakakilala pa lang sa akin ay kaya na akong pagkatiwalaan. Ikaw of all people, kilala mo ako pero dahil lang sa isang pagkakamali, nagawa mong talikuran ang pinagsamahan natin na nanay mo lang naman rin ang may gawa. At akala mo bang ako ang dahilan kung bakit nagkahiwalay kayo ni Blair? Oo tinawagan ko si Blair noong ma-hospital ka dahil hindi ko na alam kung kanino pa ako hihingi ng tulong. Kailangan niya rin namang malaman ang totoo!” Napahilamos siya sa mga kamay. He looked very frustrated. Nanlilisik ang mga mata niya sa galit habang nakatingin sa akin. Matapang na sinalubong ko ito habang pinapahiran ko ang aking mga luha. "'Di ko ipagpipilitan ang sarili kong maniwala ka sa akin. Ang akin lang naman ay makasama ko ang anak ko. Please, Stuart hayaan mong makasama ko ang anak ko... Lahat gagawin ko makasama ko lang siya. Kung gusto mong lumayo na ako, gagawin ko iyon. Just please, please, please..." pagmamakaawa ko sa kanya. Pinagsalikop ko ang mga kamay ko sa tapat ng aking dibdib. I don’t know if Stu is convinced. He let out a loud sigh. Nakalagay ang mga kamay niya sa kanyang bewang. "Okay, dadalhin ko mamaya si Alexandra. Kapag nalaman kong binibilog mo lang ang ulo ko at nagtangka kang tumakas ulit at kasama ang anak ko, tayo ang magtutuos, Shin. Titira ka sa isa sa mga bahay ko. Ayusin mo na ang sarili mo at lalakad na tayo." I smiled widely. Hindi ko inaasahang papayag siya. Sa sobrang tuwa ko ay ‘di ko na mapigilang yakapin siya. Nakalimutan ko na naman ang galit ko sa kanya. ‘Di bale makakasama ko na naman ang anak ko. "Thank you, Stuart. Thank you!" Ramdam ko ang paninigas niya nang yakapin ko siya. Bugla ron akong natauhan. Kaya mabilis kong tinanggal ang mga braso kong nakayakap sa katawan niya. Tumikhim lang siya at umiwas ng tingin sa akin. Nagpatiuna na siyang lumabas ng condo niya habang nakasunod lang ako sa kanya. He drove me again to a different house. ‘Di pamilyar sa akin ang lugar na pinagdalhan niya sa akin. Hindi na ako nagtanong dahil ang importante sa akin ay makasama ko ang anak ko. I’m excited as well. Sa wakas makakasama ko na ulit si Alex. "Stay here. This will be your new place," sabi niya sa akin pagkababa namin sa sasakyan. "Ang ganda ng bahay na ito." Napatingin ako sa bahay at ganoon na lang ang paghanga ko nang makita ang landscape nito. Isa iyong 2-storey house na may rose garden. Iba't-ibang kulay ng roses ang naroroon. Sa b****a ng bahay ay may hanging bed na may mga throw pillow para pwede pagpahingahan at maliit na coffee table. Napapalibutan ito ng bermuda grass at may espaltong daan papunta sa b****a ng bahay. "Yeah, this is supposed to be my surprise to Blair," tiim-bagang niyang sabi. Bigla akong napalingon sa kanya. No matter how much I tried to move on, Stuart still has ways to hurt me. "Bakit mo ako dito dinala?" I couldn't help but ask. Gusto niya bang ipamukha sa akin na si Blair lang talaga? "This is the only property my Mom doesn't know about. And besides just be happy you're the first person I brought here even if it's not intended for you." "I know and I'm not implying anything." "Here's the key, I'm going to get Alexandra. And well, yeah, feel at home." Inabot niya sa akin ang susi. Muli itong pumasok ng sasakyan at pinasibad ito. I was again, left alone. Nakatingin lang ako sa susi. Hindi ko alam kung papasok na ba ako or hihintayin ang pagbabalik niya. Napaigtad pa ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. I answered it immediately when I saw the name on the caller ID. "Jake..." "I'm here sa condo but you're not here. Where are you? Are you okay?" nahimigan ko ang nag-aalalang tanong nito. "Yes, I'm fine. Nagkita kami ni Stuart." I decided to tell him everything that had happened. "At ngayon, nasa bahay niya ako. Hindi ko nga lang alam kung saan ito. Pero, hinihintay ko sila ng anak ko." Huminga ako nang malalim. "Jake, I thought I've move on? Pero bakit ‘pag nababanggit niya si Blair lumalabas lahat ng insecurities ko sa katawan? Bakit nasasaktan pa rin ako?" Hindi ko na napigilang mapaiyak ulit. Masakit pa rin pala. "Damn, Shin... Saan ka? Pupuntahan kita." Hearing him say that, I cried even more. Bakit ba ang rupok ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD