"Shin," tawag ko sa kanya. Kasalukuyan niyang binibihisan si Alex. Bago niya lang itong pinaliguan. Lumingon siya sa akin. Tiningnan niya lang ako na tila hinihintay na sabihin ko ang dahilan kung bakit ko siya tinawag. "Pupunta tayo sa mall. Matagal nang nire-request ni Alex sa akin 'yan na kapag pupunta raw uli kami ng mall, eh dapat kasama ka na. Tapos na naman din tayong mag-lunch." "Yes, Mommy please? Tapos maglalaro tayo roon sa arcade. I want to experience it with you din po," nakangiting sabi naman ni Alex. Nagniningning ang mga mata nito. Agad namang tumango si Shin. Bakas sa mukha niya ang sobrang kasiyahan. Nginitian niya si Alex nang pagkatamis-tamis."Sige, magbibihis lang muna si Mommy ha?" "Sama ka muna sa akin, Alex. Sa sala na natin hintayin si Mommy mo," yaya ko kay Al

