Nagpupumiglas ako. Itinukod ko ang mga kamay ko sa dibdib niya at buong lakas na tinutulak siya. Sa bawat pagpupumiglas ko ay mas lalo niya lang hinihigpitan ang yakap niya sa akin. Hindi ako makawala. I felt so helpless. Feeling ko pinaglalaruan niya ang damdamin ko. Pero ganoon pa man nakaramdam ako ng ligaya sa paraan ng paghalik niya sa akin. Banayad lang ito na para bang ninanamnam nang mabuti ang halik namin. Punong-puno iyon ng pag-iingat. Bakit? Bakit niya ito ginagawa? He’s confusing the hell out of me! ‘Di ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko. Napahikbi ako. Pinutol naman ni Stuart ang halik at pinagdikit ang noo namin. Hawak-hawak niya ang mukha ko. "I-I know this may sound so absurd, but can we please give it a try? Can you make me love you as a woman?" anito sa g

