"So, Baby, I know we started our mishap relationship in bed. Can we start all over in bed as well?" anitong ngumiti ng pilyo sabay kagat-labi. Kumunot ang noo ko? Ang halay talaga ng lalaking ito! Pero maya-maya ay napapailing na lang ako. The Stuart I know is perverted and naughty. Seeing him like this, I feel like bumabalik na sa akin ang dating Stuart na kaibigan ko noon. And like a movie, it all came back to me. "Stu!!!" malakas kong tawag sa kanya habang papasok ako sa mansyon nila. "Ayyy, Ma'am nasa kwarto po ‘di pa po bumababa," agad na sabi sa akin ng katulong. Sinalubong ako nito at bahagyang yumukod. I checked my golden watch on my left wrist, 10 AM na pala. Malamang hindi pa gising ang lalaking iyon. Nginitian ko ang katulong. "Sige aakyatin ko na lang siya sa kwarto niya."

