“Jake, pare, can I talk to you?” Napalingon si Jake sa akin. Nasa tapat na siya ng elevator at naghihintay na bumukas iyon. Pauwi na siya. Sumama kasi siya sa amin sa pagpunta sa hotel dahil hindi ma-accommodate ang limang katao sa dala kong sasakyan. Si Manang Rosing ay kasama namin habang si Risha ay sa kotse ni Jake sumakay. Napagpasyahan namin na kumuha ng isang kwarto na may connecting doors. Nagkwentuhan pa rin ang tatlong babae nang umalis ako para sundan si Jake. Gusto rin sana nitong mag-stay nang matagal pero hindi nito magawa dahil sa commitment nito kinabukasan. Hindi rin ako nakinig sa rason niya nang tanungin siya ni Shin. Ang nasa isip ko lang ay ang makausap siya. Once and for all. Buti na lang rin at tulog na si Alex kaya hindi maiistorbo ang kwetuhan ng tatlo. Tuming

