“Saan ka galing?” Bahagya pa akong nagulat nang marinig ko ang boses ni Shin pagkapasok ko ng silid na inuukupa namin. Nakaupo siya sa kama at nakasandal sa headboard. Hawak-hawak niya ang kanyang cellphone. Pagdating ko wala ng tao sa living room ng hotel room namin at nakapatay na rin ang ilaw. I assumed that they already fell asleep. I didn’t notice that it took a few hours to talk to Jake. He was just listening to me the whole time. Pagkatapos kong magmakaawa sa kanya, tumango lang siya at sinabing he’ll see what he can do. Tapos tumayo na siya at umalis. His face was void of any emotions. ‘Di na rin ako umasa. Ngayon ko lang na-realize kung gaano ako kagago para hindi mapansin kung gaano ako kaswerte na si Shin ang naging asawa at ina ng anak ko. Kung hindi magba-backdown si Jake,

