“‘Di na ako magtataka kung bigla na lang matunaw si Stuart sa kakatitig mo sa kanya.” Agad akong napalingon kay Jake. Dinalaw niya ako sa bahay ni Stu kung saan kami nakatira. Hindi ko masabi na bahay namin dahil para iyong tinik na bumabara sa lalamunan ko. Ilang linggo na rin ang nakakaraan mula noong sinupresa niya ako sa pagdating ni Mama Rosing at Risha. At hindi ko alam kung ano ang mayroon dahil simula noon ay lagi na akong binibisita ni Jake at parang wala lang rin iyon kay Stu. Feeling ko pa nga friends na sila dahil minsan ay nakikita ko silang magkausap. Mukha namang hindi sila nag-aaway dahil parehong kalmado naman ang mga mukha nila. Noong minsan na tinanong ko si Jake kung okay na ba sila ni Stuart ay ngumiti lang siya at nag-change topic. So, I really don’t know what’s

