“Saan ba tayo pupunta anak?” Tanong sa akin ni mommy habang inaalalayan ko siya sa paglalakad dahil wala siyang makita dahil sa blindfold na nilagay ko sa kanyang mata. “Basta po, maglakad lang po kayo,” nakangiti kong sabi. Sinisinyasan ko naman si daddy na ayusin ang blindfold ni Amber dahil baka matanggal ito. “Nathan, nasaan na ba tayo?” Pangungulit muli ni mommy. “Malapit na tayo mom, relaks lang po at ilang hakbang na lang po.” Nang makarating ay huminto kami sa harap ng isang gusali na may pulang rebbon sa entrance nito at may mga staff na pare-parehong nakangiti at nakatayo sa labas ng entrance, tila excited sa magaganap na event. “Nandito na po tayo, sandali lang po ha. Wag mo muna po tanggalin ang piring,” sabi ko at nagmadali akong lumapit sa entrance ng aking successf
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


