“Congratulations Mr. O’Brien!” Saad ni Mr. Paras at kinamayan ako. “Maraming salamat Mr. Paras, asahan mong pagbubutihin ko ang pagpapatakbo nitong Car company. Para naman hindi ka manghinayang na ako ang pinagkatiwalaan mo na bumili nito.” AFTER ONE YEAR sa wakas ay ako na ang CEO ng Car Company, inilipat na ito sa aking pangalan. Bahagyang tumawa si Mr. Paras sa aking sinabi. “Wala akong pagsisihan Mr. O’Brien, dahil tiwala ako sayo. Alam kong katulad ka ng ama mo na magaling sa negosyo.” Saad nito. “Oh paano, mauna na ako. Maraming salamat ulit.” Walang pagsidlan ang aking kasiyahan, sa wakas natupad na ang pangarap ko. Sa ibang bansa na kasi maninirahan sina Mr. Paras at ang kanyang pamilya kaya kailangan niyang ibinta ang kanyang naiwang negosyo dito sa pilipinas. Medyo lugi n

