Mask Natatakot na ako sa lahat ng pwede pang mangyari. I already did everything just to prove myself, but it doesn't matter anymore. Kasalukuyan akong nag-aayos ng aking gamit, kakauwi ko lang galing sa school at baka naghihintay na rin sa baba sina Kuya Claude at Frollo para mag meryenda, kaya nagmadali na rin ako. Pababa na ako nang maabutan kong nakatayo sa may dulo ng hagdan si Nanay Rosa. Hindi siya nakatingin sa akin, kundi nakatitig siya sa may sala, tila may tinitignan. Nagmadali na akong bumaba at baka andyan na si Kuya Apollo, ngayon kasi ang araw ng pag-uwi niya. Mabuti na lang at umuwi siya, kailangan ko ng taong masasandalan. Kailangan ko ng taong nandyan lagi para sa akin, sila lang naman ni Tyrone ang nakaka-intindi sa akin.

