Reason(s) Pagkagising na pagkagising hinanap ko kaagad si kuya Claude. Sabado ngayon at walang pasok, pero kung maagang umalis si kuya para sa kompanya maaaring hindi ko siya makita buong araw. Nagtungo ako sa library kung saan lagi siyang namamalagi, ngunit wala siya doon. Nakasalubong ko pa si Frollo nang pababa na ako para doon naman siya hanapin, "Napansin mo ba kung nasaan si Kuya Claude?" Tanong ko na nakapagpatigil sa kanya. "Nope. Nauna akong gumising pero hindi ko pa siya nakikita. Why, Ate?" Kuryoso niyang tanong sa akin. Umiling ako. "Not that important. Thanks," I patted his shoulder. "Always welcome." He smiled. Bumaba na ako at siya naman ay nagtungo

