Mistake "Tigilan mo na 'ko," walang paligoy-ligoy kong sabi kay Premier. Nakipagkita ako sa kanya para sabihin lamang iyon. Hindi ako pinatitigil ng konsensya ko kung ipagpapatuloy pa niya ang gusto niyang mangyari. Dapat ko na siyang patigilin bago pa siya madamay sa gulo ko. "Willing akong tumulong, Tanya. At never akong humingi ng kapalit mula sayo," ramdam ko ang pait mula sa pagkakasabi niya. I know. Handa siyang tumulong sa kahit anong paraan, pero hindi ito ang tamang pagkakataon. Masasaktan at masasaktan pa rin ako kahit anong mangyari, baka pati siya masira ng dahil sa akin and I will never forgive myself kapag nangyari 'yon. Simula ng makilala ko siya, akala ko hindi kami magkakasundo o kahit nga ang

